Pumunta sa nilalaman

Labanan sa Tours

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Battle of Tours)
Labanan sa Tours (732).

Ang Labanan sa Tours (Oktubre 732),[1] na tinatawag ding Labanan sa Poitiers at sa Arabe: معركة بلاط الشهداء‎ (ma‘arakat Balâṭ ash-Shuhadâ - Labanan sa Palasyo ng mga Martir)[2][3][4] na pinaglabanan sa isang pook na nasa pagitan ng mga lungsod ng Poitiers at ng Tours, na nasa hilaga-gitnang Pransiya, na malapit sa nayon ng Moussais-la-Bataille, na humigit-kumulang 20 kilometro (12 mi) sa hilagang-silangan ng Poitiers. Ang lokasyon ng labanan ay malapit sa hangganan na nasa pagitan ng nasasakupang Prankiso at ng noon ay malaya nang Aquitaine. Nagtunggali sa labanan ang mga puwersa ng mga Franco at ng mga Burgundiyanong[5][6] na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Austrasyanong Alkalde ng Palasyong si Charles Martel, laban sa isang hukbo ng Kalipaduhan ng Umayyad na pinamunuan ni ‘Abdul Rahman Al Ghafiqi, Gobernador-Heneral ng al-Andalus.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Oman, 1960, p. 167, nagbibigay ng tradisyunal na petsang Oktubre Oktubre 10, 732. Lynn White, Jr., Medieval Technology and Social Change, 1962, na bumabangit kay M. Baudot, 1955, na gumagamit ng petsang Oktubre 17, 733. Roger Collins, The Arab Conquest of Spain, 1989, na naglalagom ng petsang "hulihan ng (Oktubre?) 733" na nakabatay sa "malamang" na petsa ng pagtatalaga sa kahalili ni Abdul Rahman, na namatay sa labanan. Tingnan ang White, p. 3, tala bilang 3, at ang Collins, pp. 90-91.
  2. Mga diksiyunaryo ng wikang Arabe: Diksiyunaryong Al-Ghani, Diksiyunaryong Al-Ra-ed,at Diksiyunaryong Al-Waseit, na nagbabanggit na ang "Balat" ay ang Palasyo ng isang hari
  3. Ang pinagmulan ng salitang Arabeng "Balat" ay katulad ng salitang Latin na "Palatium", at ng salitang Ingles na "Palace", na sa wikang Tagalog ay "Palasyo"
  4. BALAT AL-SHUHADA , LED BY ABD AR-RAHMAN AL-GHAFIQI , ni DR. SHAWQI ABU KHALIL, inilathala sa Dar Al-Fekr, Demashq, Sirya, at Dar Al-Fekr Al-Mo-aser, Beirut, Lebanon. Ikatlong Edisyon, Pahina 32 : ang salitang "Balat" ay nangangahulugang "palasyo ng isang hari"
  5. Bachrach, 2001, p. 276.
  6. Fouracre, 2002, p. 87 na bumabanggit sa Vita Eucherii, pinatnugutan ni W. Levison, Monumenta Germaniæ Historica, Scriptores Rerum Merovingicarum VII, pp. 46–53, ch. 8, pp. 49–50; Gesta Episcoporum Autissiodorensium, ang mga sipi ay pinatnugutan ni G. Waitz, Monumenta Germaniae Historica, Scriptores XIII, pp. 394–400, ch. 27, p. 394.


KasaysayanPransiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.