Pumunta sa nilalaman

Kastor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Beaver)

Mga kastor
Temporal na saklaw: Huling Mioseno – Kamakailan
Amerikanong Kastor
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Castor

Linnaeus, 1758
Mga uri

C. canadensis
C. fiber
C. californicus

Ang mga kastor (Ingles: beaver) ay dalawang pangunahing mga pang-gabi, at halos makatubigan o akwatikong daga, isang katutubo sa Hilagang Amerika at isa sa Europa. Kilala sila sa paggawa ng mga dike o prinsa, mga kanal, at mga tahanang yari sa kahoy. Sila ang pangalawang pinakamalaking mga daga sa muna (pagkaraan ng kapibara). Lumilikha ang kanilang mga kolonya ng isa o maraming mga dike upang makapagbigay ng panatag o hindi tumitinag at malalim na katubigan upang mapananggalang laban sa mga maninila, at upang makapagpalutang ng pagkain at pambuong mga materyales. Nasa 60 hanggang 400 mga milyon ang bilang ng populasyon sa Hilagang Amerika, ngunit noong 1988, 6 hanggang 12 milyon na lamang, dahil sa panghuhuli para sa kanilang balat na may balahibo, para sa kanilang mga glandulang ginagamit sa medisina at pabango, at dahil sa kanilang pagaani ng mga puno at pagbaha sa daanan ng mga tubig na makakagambala sa iba pang paggamit ng lupain.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Nowak, Ronald M. 1991. pp. 364-367. Walker's Mammals of the World, Ikalimang Labas, tomo I. Palimbagan ng Pamantasang Johns Hopkins, Baltimore.

Mamalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.