Tulang pantanghalan
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Pebrero 2014) |
Ang tulang dula o tulang pantanghalan o dulang pantanghalan ay ang dramang sinulat bilang isang berso para wikain.At ang dula ay isinasagawa sa tanghalan kaya ito ay tinawag na dulang pantanghalan.
Ang uring ito ng tula ay hindi lamang sumsaklaw sa moro-moro o komedya, tibag, panuluyan, sarsuwela, senakulo, kundi gayon din sa mag-isangsalaysay (monologo o monolouge), lirikong dula, tulang dulang katatawanan, tulang dulang kalunos-lunos, melodramang dula, at dulang parsa.
Dulang pantanghalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Melodrama
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang dulang ito ay nag wawakas na kasiya-siya sa mabuting tauhan bagama't ang uring ito'y may malulungkot na sangkap, kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito at nag tatapos sa kamatayan ng mga bida. Ginagamit ang melodrama sa mga musikal na dula. Dito, malungkot sa simula ngunit nagiging masaya ang pagwawakas.
Komedya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Komedya ay isang dulang patanghal (karaniwang binubuo ng oktosilabiko o dodekasilabikong quatrain), na gumagamit ng nakaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-alis sa entablado, batalla o labanan na may koreograpiya, at magia o mga mahihiwagang epekto sa palabas. Ito ay kadalasang itinatanghal ng dalawa hanggang tatlong araw upang ipagdiwang ang pyesta ng patron
Trahedya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa pagkatalo o pagkamatay ng bida o pangunahing tauhan. Isang halimbawa nito Ang Trahedya sa Balay ni Kadil.
Parsa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang parsa ay mga magkakabit-kabit o magkakadugtong-dugtong ng mga pangyayari ng isang dulang nakakatawa.
Saynete
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang saynete ay dulang tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kuwento ng pangunahing tauhan at sa pag-uugali ng tao tulad ng pagiging mabait,masiyahin at maaalahanin.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.