Pumunta sa nilalaman

Bertram Boltwood

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Bertram Borden Boltwood (Hulyo 27, 1870 Amherst, Massachusetts - Agosto 15, 1927, Hancock Point, Maine) ay isang Amerikanong tagapanimula ng radyokimika. Ang boltwoodite ay ipinangalan mula kay Boltwood.

Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Pamantasan ng Yale, at nagturo roon mula 1897 hanggang 1900. Inilunsad niya na ang tingga ang pinakahuling produkto pagkatapos na mabulok ng uranyum, habang tinatandaan na ang panumbasan ng tingga-uranyum ay mas marami sa loob ng mga batong matatanda at, habang kumikilos batay sa isang mungkahi ni Ernest Rutherford, si Boltwood ang unang sumukat ng edad ng mga bato sa pamamagitan ng pagkabulok ng uranyum upang maging tingga (pagpepetsang uranyum-tingga) noong 1907. Nakakuha siya ng mga resulta na mula 400 hanggang sa 2200 milyong mga taong gulang, na unang tagumpay ng pagpepetsang radyometriko. Sa mas kamakailan, ang mas matatandang mga depositong mineral ay napetsahan ng magpahanggang humigit-kumulang sa 4.4 bilyong mga taong gulang, na malapit sa pinakamahusay na pagtatantiya ng edad ng daigdig. Sa huling panahon ng kaniyang buhay, dumanas si Boltwood ng depresyon at nagpakamatay noong ika-15 ng Agosto, 1927.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Boltwood, Bertram (1969) "The Ultimate Disintegration Products of the Radio-active Elements. Part II. The disintegration products of uranium." na nasa American Journal of Science, ika-4 na serye, bolyum 23, mga pahina blg. 77–88.
  • Badash, L. (1986) "Rutherford, Boltwood, and the Age of the Earth: The Origin of Radioactive Dating Techniques", na nasa Proceedings of the American Philosophical Society, bolyum 112(3), mga pahina blg. 157-169.