Pumunta sa nilalaman

Betamax

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Betamax (pagkaing kalye))
Logo ng Betamax
Ang tape ng Betamax

Ang Betamax (kilala din bilang Beta, na nakalagay sa logo nito) ay isang pang-konsyumer na analogong pang-rekord at pormat na cassette ng magnetikong teyp para sa bidyo, na karaniwang kilala bilang isang video cassette recorder (o cassette pang-bidyo na pang-rekord). Ginawa ito ng Sony at nailabas sa bansang Hapon noong Mayo 10, 1975,[1] at sumunod ang Estados Unidos noong Nobyembre ng parehong taon.

Tinuturing na lipas na ang Betamax na natalo sa digmaan ng pormat ng videotape[2] na nakitang nagdomina sa merkado ang pinakamalapit na kalaban, ang VHS.[3] Sa kabila nito, patuloy ang paggawa at pagbenta ng mga pang-rekord na Betamax haggang Agosto 2002, nang ipinabatid ng Sony na hindi na nila ipagpapatuloy ang produksyon na lahat ng natitirang modelo ng Betamax. Patuloy na nagbenta ang Sony ng mga cassette ng Betamax hanggang Marso 2016.[4][5]

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pelikula ni David Cronenberg noong 1983 na Videodrome, ang karakter ni Max Renn ay nag-uusbong ng isang lagusan sa kanyang tiyan na tumatanggap ng teyp ng Betamax. Napili ang pormat na Betamax dahil bahagyang mas maliit ito kaysa cassette ng VHS, at kaya naging madali gawin ang prosthetics.[6]

Sa kabanatang "Speak Like a Child" ng anime na Cowboy Bebop, nakatanggap sina Jet at Spike ng isang teyp ng Betamax sa pamamagitan ng koreo na para kay Faye. Pumunta sa isang tindahan sina Jet at Spike sa pag-asang makakahanp ng isang player ng Betamax, na nagawa nila, subalit nasira ito sa kalaunan na hindi na makukumpuni dahil sa pagkainip ni Spike sa lumang kagamitan.[7]

Tinatalakay ng awiting Tagalog na "Betamax" ng bandang Pilipinong Sandwich na mula sa kanilang ikalimang album pang-istudiyo noong 2008 na pinamagatang <S> Marks the Spot ang isang panahon sa Pilipinas bago ang pagdating ng Internet, MP3, at DVD, at Betamax lamang ang tanging pormat pang-bidyo.[8] Sa Pilipinas din, tumutukoy ang Betamax sa isang tanyag na tinuhog na nakakubong (cubed) pagkaing kalye na gawa sa dugo ng manok o baboy na mukhang videocassette ng Betmax.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. McDonald, Paul (2007-08-06). Video and DVD Industries (sa wikang Ingles). British Film Institute. p. 33. ISBN 9781844571673. Nakuha noong 6 Hunyo 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Betamax" (sa wikang Ingles). Pcmag.com. 1994-12-01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-08. Nakuha noong 2012-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Owen, Dave (2005). "The Betamax vs VHS Format War" (video) (sa wikang Ingles). Mediacollege.com. Nakuha noong 2012-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Sony says goodbye to Betamax tapes". BBC News (sa wikang Ingles). 2015-11-10. Nakuha noong 2015-11-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Beta Video Cassette and Micro MV Cassette Tape End of Shipment Announcement". Sony Japan (sa wikang Hapones). Sony. 10 Nobyembre 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-11-10. Nakuha noong 10 Nobyembre 2015. ソニーは2016年3月※をもって、ベータビデオカセットおよびマイクロMVカセットの出荷を終了いたします [..] ※ 需要状況によっては予定時期以前に終了する場合もあります。 [Magpapatuloy ang Sony na ipadala ang mga beta video cassette at micro MV cassette ngayong Marso 2016 [..] Depende sa situwasyon ng pangangailangan, tatapusin nito bago ang nakatakdang oras]{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "10 Things You Didn't Know About... Videodrome". HMV (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Oktubre 2021. Nakuha noong 20 Oktubre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "10 Hidden Details Everyone Missed In Cowboy Bebop". Heroku App (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Enero 2022. Nakuha noong 5 Enero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Haidee C., Pineda (2017-12-07). "Sandwich rev up UPD's Pag-iilaw 2017". University of the Philippines Diliman (sa wikang Ingles). Diliman Information Office. Nakuha noong 2022-06-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. De Guzman, Nicai (2016-05-26). "History of Street Food in the Philippines". Esquiremag.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-06-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)