Pagkaing kalye
Ang pagkaing kalye ay pagkain o inumin na handa nang ikonsumo na ibinebenta ng isang maglalako, o magtitinda sa kalye o iba pang pambulikong lugar, tulad ng palengke o pamilihan. Kadalasan itong ipinagbibili sa isang nalilipat-lipat na food booth,[1] food cart, o food truck at sinadya para sa agarang pagkokonsumo. Panrehiyon ang iilang mga pagkaing kalye, ngunit mararami rin ang kumalat sa labas ng kani-kanilang rehiyon ng pinagmulan. Kapwa nauuri ang karamihan ng mga pagkaing kalye bilang kukutin at agarang pagkain, at karaniwang mas mura kaysa sa mga ulam sa restawran. Nag-iiba-iba ang mga uri ng pagkaing kalye sa bawat rehiyon at kultura sa mga iba't ibang bansa sa mundo.[2] Ayon sa isang pagsusuri noong 2007 mula sa Organisasyon ng Pagkain at Agrikultura, 2.5 bilyong katao ang kumakain ng pagkaing kalye bawat araw.[3] Umaasa ang karamihan ng mga mamimiling may mababa at katamtamang kita[4] sa mabilis na pag-akses at murang serbisyo ng pagkaing kalye para sa pang-araw-araw na nutrisyon at oportunidad sa trabaho, lalo na sa mga nagpapaunlad na bansa.
Ngayon, binibili ng mga tao ang pagkaing tao sa ilang kadahilanan, tulad ng kaginhawaan, pagkuha ng masarap na pagkain sa makatuwirang presyo sa makakapaghalubilong lugar, pagtikim ng mga lutuing etniko, o para sa pananabik sa nakaraan.[5]
Kabilang sa mga sumisidhing pagkabahala ng pagkaing kalye ang panganib sa kalusugan at problema sa sanitasyon, ilegal na paggamit ng mga pampublikong o pribadong lugar, mga suliraning panlipunan at etikal, at pagsisikip ng trapiko.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Artemis P. Simopoulos, Ramesh Venkataramana Bhat (2000). Street Foods. Karger Publishers, 2000. p. vii. ISBN 9783805569279. Nakuha noong Abril 18, 2011.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wanjek, Christopher; Office, International Labour (2005). Food at Work: Workplace Solutions for Malnutrition, Obesity and Chronic Diseases (sa wikang Ingles). International Labour Organization. ISBN 978-92-2-117015-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Spotlight: School Children, Street Food and Micronutrient Deficiencies in Tanzania". Rome, Italy: Food and Agriculture Organization of the United Nations. Pebrero 2007. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Abril 9, 2015. Nakuha noong Pebrero 20, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Food for the Cities: Street foods". www.fao.org. Nakuha noong 2020-03-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smith, Andrew F. (Mayo 2007). The Oxford Companion to American Food and Drink. ISBN 9780195307962. Nakuha noong Agosto 17, 2012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)