Beterano
Itsura
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang isang beterano (mula sa Latin na vetus, nangangahulugang "matanda") ay isang indibiduwal na nagsisilbi ng matagal o may mahabang karanasan sa isang partikular na trabaho o larangan.
Partikular na tumutumkoy ang katawagang ito sa mga beteranong militar na nagsilbi o nagsisilbi nang matagal sa hukbong sandatahan. Ang mga beteranong na direktang nagbabad sa mga labanang militar ay maaring matawag bilang mga beterano sa digmaan (bagaman hindi lahat ng labanan, o mga bahagi na may sandatahang pakikipaglaban, ay kinakailangang tukuyin bilang digmaan).