Tardigrada
Ang mga tardigrado, karaniwang nakikilala bilang mga osong pantubig o biik na panlumot (mga tardigrade [bigkas: /tar-di-greyd/, mga waterbear o moss piglet)[1] ay maliliit na mga hayop na pantubig, may pagkakahati-hati ang katawan at may walong mga binti. Bumubuo sila sa pilum na Tardigrada, na kabahagi ng superpilum na Ecdysozoa.
Unang nailarawan ni Johann August Ephraim Goeze ang mga tardigrado noong 1773. Tinawag ni Goeze ang mga ito bilang mga kleiner Wasserbär, na may kahulugang 'maliit na osong pantubig' sa wikang Aleman. Ang pangalang Tardigrada ay nangangahulugang “mabagal lumakad”, isang pangalan na ibinigay ni Lazzaro Spallanzani noong 1777. Ang pangalang osong pantubig ay nagmula sa paraan ng mga paglakad ng mga ito, na nagpapaalala sa gawi sa paglakad ng isang oso. Ang pinakamalalaking mga adulto ay maaaring umabot sa isang katawan na mayroong haba 1.5 millimetro (0.059 pul), habang ang pinakamaliit ay nasa mas mababa kaysa 0.1 mm. Ang kapipisa pa lamang na mga tardigrado ay maaaring maging mas maliit kaysa sa 0.05 mm.
Mayroong ilang 1,150 mga espesye ng mga tardigrado ang nailarawan.[2][3] Mayroong mga tardigrado sa buong mundo, magmula sa Kahimalayan[4] (na mas mataas kaysa sa 6,000 metro (20,000 tal)), magpahanggang sa kailaliman ng dagat (mas mababa kaysa sa 4,000 metro (13,000 tal)) at mula sa rehiyong pampolo (rehiyong polar) hanggang sa ekwador.
Ang pinakamaginhawang lugar upang makatagpo ng mga tardigrado ay sa ibabaw ng mga lumot. Ang iba pang mga kapaligiran na mapagkukunan ng mga ito ay ang mga duno, mga baybayin, mga lupa, at mga sedimentong pangkaragatan at tubig-tabang, kung saan maaari silang umiral na napakamadalas (magpahanggang 25,000 mga hayop bawat litro). Sa kadalasan, matatagpuan ang mga tardigrao sa pamamagitan ng pagbabad ng isang piraso ng lumot sa tubig na pangbatis.[5]
Nakaliligtas ang mga tardigrado sa mga kapalagiran sukdulan ang mga kalagayan na makakapatay sa halos lahat ng anumang iba pang mga hayop. Nakaliligtas ang ilan sa mga temperaturang malapit sa serong absoluto, o 0 Kelvin (−273 °C (−459 °F)),[6] mga temperaturang kasingtaas ng 151 °C (304 °F), na 1,000 mga ulit na mas marami ang radyasyon kaysa sa ibang mga hayop,[7] at sa halos isang dekada na hindi nakakatanggap ng tubig.[8] Magmula noong 2007, ang mga tardigrado ay nagbalik na may buhay magmula sa mga pag-aaral kung saan sila ay nalantad sa bakyum ng kalawakan sa loob ng mangilan-ngilang mga araw habang nasa mababang orbito ng Daigdig.[9][10]
Anatomiya at morpolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga tardigrado ay mayroong mga katawan na kahugis ng bariles at mayroong apat na pares ng mga binting punggok.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Copley, Jon (1999-10-23). "Indestructible". New Scientist. Blg. 2209. Nakuha noong 2010-02-06.
- ↑ Zhang, Z.-Q. (2011). "Animal biodiversity: An introduction to higher-level classification and taxonomic richness" (PDF). Zootaxa. 3148: 7–12.
- ↑ Degma, P., Bertolani, R. & Guidetti, R. 2009-2011. Actual checklist of Tardigrada species. Ver. 18: 27-04-2011. http://www.tardigrada.modena.unimo.it/miscellanea/Actual%20checklist%20of%20Tardigrada.pdf
- ↑ C.Michael Hogan. 2010. Extremophile. Mga patnugot na sina E.Monosson at C.Cleveland. Encyclopedia of Earth. National Council for Science and the Environment, Washington DC
- ↑ Goldstein, B. and Blaxter, M. (2002). "Quick Guide: Tardigrades". Current Biology. 12 (14): R475. doi:10.1016/S0960-9822(02)00959-4.
{{cite journal}}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Becquerel P. (1950). "La suspension de la vie au dessous de 1/20 K absolu par demagnetization adiabatique de l'alun de fer dans le vide les plus eléve". C. R. Hebd. Séances Acad. Sci. Paris (sa wikang Pranses). 231: 261–263.
- ↑ Radiation tolerance in the tardigrade Milnesium tardigradum[patay na link]
- ↑ Crowe, John H.; Carpenter, John F.; Crowe, Lois M. (1998). "The role of vitrification in anhydrobiosis". Annual Review of Physiology. Bol. 60. pp. 73–103. doi:10.1146/annurev.physiol.60.1.73. PMID 9558455.
{{cite news}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong) - ↑ Staff Space.com (8 September 2008). "Creature Survives Naked in Space". Space.com. Nakuha noong 2011-12-22.
- ↑ Mustain, Andrea (22 Disyembre 2011). "Weird wildlife: The real land animals of Antarctica". MSNBC. Nakuha noong 2011-12-22.