Bimbisara

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Bimbisara
Emperador ng Imperyong Magadha
Paghahari 543–491 BCE
Kapanganakan 558 BCE
Kamatayan 491 BCE
Kahalili Ajatasatru
Konsorte Kosala Devi
Mga asawa Chellana
Kshema
Supling Ajatasatru
Bahay Maharlika Dinastiyang Haryanka
Mga paniniwalang relihiyoso Budismo
Bilangguan ni Bimbisara kung saan ang Haring Bimbisara ay ibinilanggo, saRajgir

Si Bimbisara (Sanskrit: बिम्बिसारः, 558 BCE – 491 BCE)[1][2] ay isang Hari at kalaunan ay Emperador ng Imperyong Magadha mula 543 BCE hanggang sa kanyang kamatayan at nabibilang sa dinastiyang Hariyanka.[3] Ang kanyang pagpapalawig ng Kaharian lalo na ang kanyang pagsasama ng kaharian ng Anga sa silangan ay itinuturing na naglatag ng mga pundasyon para sa kalaunang pagpapalawig ng Imperyong Maurya.[4]

Siya ay kilala sa kanyang mga nagawang pangkultura at isang dakilang kaibigan at tagapagingat ni Gautama Buddha. Itinayo ni Bimbisara ang siyudad ng Rajagriha na sikat sa mga kasulatang Budista. Siya ay hinalinhan sa trono ng kanyang anak na si Ajatashatru na pumatay sa kanyang ama upang makuha ang kapangyarihan. [4]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Rawlinson, Hugh George. (1950) A Concise History of the Indian People, Oxford University Press. p. 46.
  2. Muller, F. Max. (2001) The Dhammapada And Sutta-nipata, Routledge (UK). p. xlvii. ISBN 0-7007-1548-7.
  3. Stearns, Peter N. (2001) The Encyclopedia of World History, Houghton Mifflin. pp. 76-78. ISBN 0-395-65237-5.
  4. 4.0 4.1 "Bimbisara". Encyclopædia Britannica Online. http://www.britannica.com/EBchecked/topic/65488/Bimbisara. Hinango noong 25 January 2013.