Pumunta sa nilalaman

Bini (grupo)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bini
Bini sa 2024 (kaliwa hanggang kanan): Stacey, Aiah, Colet, Gwen, Mikha, Sheena, Jhoanna, and Maloi
Bini sa 2024 (kaliwa hanggang kanan): Stacey, Aiah, Colet, Gwen, Mikha, Sheena, Jhoanna, and Maloi
Kabatiran
PinagmulanManila, Pilipinas
Genre
Taong aktibo2020 (2020)–kasalukuyan
Label
Miyembro
  • Aiah
  • Colet
  • Maloi
  • Gwen
  • Stacey
  • Mikha
  • Sheena
  • Jhoanna

Ang Bini (naka-istilo na all-caps; dating Star Hunt Academy Girls o SHA Girls) ay isang Filipino girl group na nabuo noong 2019 sa ilalim ng Star Hunt Academy ng ABS-CBN. Ang grupo ay binubuo ng walong miyembro: Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena.

Ang Bini ay opisyal na nag-debut noong Hunyo 11, 2021 sa pamamagitan ng kanilang single na "Born to Win", pagkatapos ng dalawang taon na pagsasanay sa ilalim ng Star Hunt Academy.[1] Bago ang kanilang debut, naglabas sila ng pre-debut single na "Da Coconut Nut" noong Nobyembre 2020. Mula noon, nakakuha ng malawakang pagkilala ang grupo at tinawag na "Nation's Girl Group" dahil sa kanilang makabuluhang epekto sa publiko at Pinoy pop. Sila ang naging unang Filipino pop group na may pinakamaraming buwanang tagapakinig sa Spotify, at ang unang nanguna sa Billboard's Philippine Songs chart. Noong 2025, nakaipon sila ng isang bilyong all-time stream sa Spotify.

Noong Hunyo 9, 2024, nakapasok ang Bini sa Top Artist Global Chart sa Spotify sa ika-193 na puwesto, kung saan sila ang unang Pilipinong grupo na nakamit ang rekord. Ang grupo din ang naging unang Pilipinong grupo na nanguna sa Spotify Philippines' Daily Top Artists chart noong Hunyo 14, kung saan nalagpasan nila si Taylor Swift.

Pangalan at mga miyembro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangalan ng grupo ay kinuha mula sa salitang Tagalog na binibini, na nangangahulugang "batang babae", hango sa pananaw ng grupo na "ilangkap ang ideya ng isang modernong Filipina - mabait, mabangis, malaya, at may kaalaman".[2][3]

Ang mga tagahanga ng Bini ay kilala bilang "Bloom(s)", kadalasang inilarawan sa pangkinaugalian bilang BL∞M(S), na may infinity na simbolo na pinalitan ang dalawang O. Ang istilong ito ay hango sa parola ng grupo na "Walo hanggang dulo".[4]

Stage Name Birth Name Posisyon
Aiah Maraiah Queen Arceta[5] visual, main rapper, sub vocalist
Colet Maria Nicolette Vergara[5] main vocalist, lead rapper, lead dancer
Maloi Mary Loi Yves Ricalde[5] main vocalist
Gwen Gweneth Apuli[5] lead vocalist, lead rapper
Stacey Lindtsey Stacey Aubrey Sevilleja[5] main rapper, lead dancer, sub vocalist
Mikha Mikhaela Janna Jimenea Lim[5] main rapper, lead dancer, visual
Jhoanna Jhoanna Christine Robles[5] leader, lead vocalist, lead rapper
Sheena Sheena Mae Catacutan[5] main dancer, sub vocalist, bunso (youngest)

2018–2020: pagbuo, mga pre-debut activity

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang bahagi ng kanyang paniniwala na "may lugar ang talento ng mga Pilipino sa pandaigdigang entablado", nagkaroon ng ideya si Laurenti Dyogi, Pinuno ng Entertainment Production ng ABS-CBN, na bumuo ng isang training camp kung saan ang mga kabataang nagnanais na maging mga superstar ay "maaaring bumuo o higit pang mahasa ang kanilang mga talento."[6] Noong 2018, inilunsad ng ABS-CBN ang Star Hunt Academy (SHA), na mayroong 250 na nag-audition sa pagitan ng edad na 16 at 19 na taong gulang mula sa buong Pilipinas. Mula sa grupong ito ng mga nag-audition, na may mga rekomendasyon mula sa mga talent scout, napili ang unang hanay ng 12 babae bilang mga SHA trainee. Bagama't sa una ay binalak ni Dyogi na mag-debut ng isang siyam na miyembrong idol girl group, sa kalaunan ay nabawasan ito sa walong babae: Aiah Arceta, Colet Vergara, Maloi Ricalde, Gwen Apuli, Stacey Sevilleja, Mikha Lim, Jhoanna Robles, at Sheena Catacutan.[7][8] Sa walong miyembro, dalawa sa kanila—sina Sheena at Gwen—ay orihinal na housemate mula sa Pinoy Big Brother: Otso.[9]

Nagsanay ang grupo mula 2019 hanggang 2020 sa ilalim ng mga lokal na tagasanay, na kinabibilangan ni Kitchy Molina, ang propesyonal na vocal coach at dating tagapangulo ng Department of Voice, Music Theater, at Dance sa University of the Philippines College of Music;[10] dance coach na si Mickey Perz; at mga tagasanay na Timog Koreano mula sa MU Doctor Academy.[6] Noong Agosto 3, 2019, nag-debut ang grupo bilang mga nagsasanay sa SHA sa online pre-show ng Pinoy Big Brother: Otso Celebr8 at the Big Night. Nagtanghal sila sa kanilang unang mall show sa Taguig noong Agosto 15, 2019.[11] Kalaunan noong 2019, humarap sila sa isang kaganapan sa Pambansang Komisyon sa Kabataan kung saan sila ay pinangalanang mga ambassador ng kabataan. Lumahok din sila sa pagdiriwang ng pasasalamat ng Palaro ng Timog Silangang Asya 2019.[6]

Noong Mayo 2020, inilabas ni Dyogi sa Twitter ang isang performance practice video ng grupong kumakanta at sumasayaw sa kantang "Ngiti" nina Young JV at Gary Valenciano upang ipakita ang kanilang progreso sa pagsasanay. Noong Agosto 2020, lumahok ang grupo sa ikaapat na araw ng Happy Hallyu Day ng Philippine K-pop Convention, at nagtanghal ng mga K-pop dance cover kabilang ang "In & Out" ng Red Velvet, "How You Like That" ng Blackpink at "More & More" ng Twice.[12][13]

Para sa pre-debut single ng Bini, nagtulungan ang MU Doctor Academy at ang Timog Koreanong music production group na Vo3e para gawan ng electropop remake ang kanta ng pambansang alagad ng sining na si Ryan Cayabyab na "Da Coconut Nut." Bilang karagdagan, nakipagtulungan ang MU Doctor Academy sa mga koreograpo na sina Moon Yeon-joo at Kwak Seong-chan, na dating nagtrabaho sa mga K-pop group, upang lumikha ng koreograpia.[14][15] Noong Nobyembre 6, 2020, pinalabas ang opisyal na lyric video para sa kanilang remake ng "Da Coconut Nut" sa opisyal na YouTube channel ng grupo, na sinundan ng opisyal na music video noong Nobyembre 20.[16][17] Noong Nobyembre 21, tinanghal ng Bini ang "Da Coconut Nut" nang live sa unang pagkakataon sa noontime variety show na It's Showtime, kung saan ito ay tinanggap ng mga manonood.[18]

Noong Disyembre 4, 2020, pumirma ng kontrata ang Bini sa Star Magic at Star Music.[19]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "BINI - StarMagic". Star Magic. March 22, 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong May 28, 2023. Nakuha noong May 18, 2024.
  2. Krishnan, Ganiel (24 Nobyembre 2020). "Kilalanin: P-pop girl group na BINI" [Get to Know: BINI P-pop girl group]. ABS-CBN News. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Nobyembre 2020. Nakuha noong 22 Marso 2025.
  3. Requintina, Robert (18 Nobyembre 2020). "Star Hunt Academy's new rookie girl group 'BINI' takes on the P-Pop scene". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Nobyembre 2020. Nakuha noong 22 Marso 2025.
  4. Anoc, Aimee; Cruz, Hazel Jane (17 Abril 2024). "Get to know the Nation's Girl Group BINI". GMA Entertainment (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Agosto 2024. Nakuha noong 23 Marso 2025.
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 5.6 5.7 "EXCLUSIVE: Meet The Members Of BINI, As The P-Pop Girl Group Officially Makes Its Debut (Part 1)". Metro Style. Inarkibo mula sa orihinal noong June 4, 2021. Nakuha noong June 4, 2021.
  6. 6.0 6.1 6.2 Bardinas, Mary Ann (9 Agosto 2020). "Star Hunt Academy set to make more P-pop idols shine worldwide". ABS-CBN Entertainment (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Nobyembre 2020. Nakuha noong 22 Marso 2025.
  7. "Make way for BINI — the rookie girl group you should listen to right now". ABS-CBN Entertainment (sa wikang Ingles). 8 Nobyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2025. Nakuha noong 22 Marso 2025.
  8. Tonelada, Rachelle (3 Hulyo 2024). "Here's A Timeline Of How BINI Paved Their Way To Stardom". Cosmopolitan Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hulyo 2024. Nakuha noong 22 Marso 2025.
  9. "BINI, dumaan sa matinding training" [BINI underwent intensive training]. ABS-CBN News. 4 Enero 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Enero 2021. Nakuha noong 22 Marso 2025.
  10. "Prof. Katherine Frances Molina". University of the Philippines College of Music (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Disyembre 2019. Nakuha noong 22 Marso 2025.
  11. Ricarte, Katrina (14 Nobyembre 2024). "BINI Through the Years: Career Milestones and Highlights". The Beat Manila (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2025. Nakuha noong 22 Marso 2025.
  12. Bacani, Hannah Angelique. "Look: New P-pop girl group Bini wows with pre-debut performance". Sagisag (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Nobyembre 2020. Nakuha noong 23 Marso 2025.
  13. Seth, Rosen (16 Setyembre 2020). "'Happy Hallyu Day 4' Ends The Event With A Massive Korean Culture Showcase". Kpop Reporter (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2024. Nakuha noong 22 Marso 2025.
  14. "Star Hunt Academy launches all-girl Pinoy Pop group Bini". Daily Tribune (sa wikang Ingles). 8 Nobyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Nobyembre 2020. Nakuha noong 23 Marso 2025.
  15. "BINI looks back on roots with 'Da Coconut Nut' performance". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 21 Abril 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2025. Nakuha noong 23 Marso 2025.
  16. "WATCH: BINI's "Da Coconut Nut" Official Music Video". ABS-CBN Entertainment (sa wikang Ingles). 20 Nobyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Hunyo 2024. Nakuha noong 23 Marso 2025.
  17. "Da Coconut Nut (Official Lyric Video)". YouTube (sa wikang Ingles). 6 Nobyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Nobyembre 2020. Nakuha noong 23 Marso 2025.
  18. Dumaual, Miguel (24 Nobyembre 2020). "'Polish and potential': P-pop group Bini wows with 1st live performance, goes viral". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Nobyembre 2020. Nakuha noong 23 Marso 2025.
  19. Dumaual, Miguel (4 Disyembre 2020). "Meet the new faces of Star Magic — and P-pop". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hunyo 2023. Nakuha noong 23 Marso 2025.