Inhinyeriyang pambiyomateryal
Ang inhinyeriyang pambiyomateryal o inhinyeriyang pangbiyomateryal (Ingles: biomaterials engineering) ay nangangahulugan na pagdidisenyo, pagbubuo, at pagpapabuti (optimisasyon) ng mga materyal upang makisalamuha ang mga ito sa mga langkap na pambiyolohiya na nasa isang inilarawan o itinakda at mahuhulaang paraan.[1] Kabilang dito ang pagbubuo, pagpuproseso at karakterisasyon ng bagong mga materyal na katulad ng mga polimero, mga protina, mga salamin, mga semento, mga komposit at mga haybrid.[2] Ang inhinyeriyang pangbiyomateryal ay isang larangang multidisiplinaryo[1] at interdisiplinaryo.[3] Dahil dito ang mga proyekto kaugnay ng larangang ito ay nakatuon sa pagsasama ng pangkaibuturang mga lakas na nasa mga saligan ng inhinyeriyang pangkimika (kinetiks, termodinamika, at mga prosesong pangtransporte) sa mga kasanayan na inangkin magmula sa inhinyeriyang pampolimer, agham na pangkaibabawan, parmasyutika, biyolohiya ng selula at pangmolekula biyokimika at espesyalisadong mga larangan ng agham na pangmedisina (neurobiyolohiya at siruhiyang kardiyobaskular).[1]
Bilang isang interdisiplinaryong larangan, ginagalugad ng inhinyeriyang pangbiyomateryal ang kung paano nakikisalamuha ang mga materyal sa mga organismong may buhay. Kaya't ang matatag na pundasyon sa pag-aaral ng inhinyeriyang pangbiyomateryal ay kinabibilangan ng agham ng mga materyal at biyolohiyang pangselula.[3]
Ang inhinyeriyang pambiyomateryal ay may kaugnayan sa inhinyeriyang pangtisyu.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 BIOMATERIALS ENGINEERING, umbc.edu
- ↑ 2.0 2.1 Biomaterials and Tissue Engineering Naka-arkibo 2013-08-31 sa Wayback Machine., www3.imperial.ac.uk
- ↑ 3.0 3.1 Biomaterials Engineering (BE) Naka-arkibo 2012-12-02 sa Wayback Machine., engineering.alfred.edu