Pumunta sa nilalaman

Bird Box Barcelona

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bird Box Barcelona
Direktor
  • Álex Pastor
  • David Pastor
Prinodyus
Sumulat
  • Álex Pastor
  • David Pastor
Ibinase saBird Box
ni Josh Malerman
Itinatampok sina
MusikaZeltia Montes
SinematograpiyaDaniel Aranyó
In-edit niMartí Roca
Produksiyon
  • Nostromo Pictures
  • Chris Morgan Productions
  • Dylan Clark Productions
TagapamahagiNetflix
Inilabas noong
  • 14 Hulyo 2023 (2023-07-14)
Haba
112 minutes[1]
BansaSpain
Wika
  • Spanish
  • English
  • German

Ang Bird Box Barcelona ay isang 2023 post-apocalyptic horror thriller film na mula sa España na idinirek at isinulat nina Álex at David Pastor. Isang isa itong sequal na halaw sa 2018 na pelikula na pinamapagangtBird Box, na hinango mula sa 2014 na nobela ni Josh Malerman na may parehong titulo, ito ay ipinalabas sa Netflix noong Hulyo 14, 2023 na may magkahalong pananaw.

Ang mundo ay nagkaroon ng mga mahiwagang nilalang na nagmamanipula sa negatibong emosyon ng mga tao, na ginagawa ang ilan bilang "seers" ang ngunit ang nakakarami sa mga tao ang magpakamatay kapag nakakita niila ang nilalang. Ang karaniwang paraan ng pag-iwas ay ang pagsusuot ng piring sa labas. Sa Barcelona, magkasamang naglalakbay si Sebastián at ang kanyang anak na si Anna.

Isang araw ay nakatagpo ni Sebastián ang isang grupo ng mga nakaligtas, at sinabi sa kanila na bilang isang dating construction engineer ay alam niya ang lokasyon ng mga generator na maaaring magbigay ng kuryente at init. Matapos sabihin kay Anna na magtago hanggang sa matiyak niya kung mabubuting tao ang grupo, sumama si Sebastián sa kanilang kanlungan sa loob ng isang paradahan ng bus. Kinaumagahan, pinatakbo ni Sebastián ang bus, habang tulog ang lahat, na kalaunan ay nabangga niya ang bus. Ang lahat ay naiwang ng walang suot na blindfold at marami ang nasaktan. Dahan-dahang inakay ni Sebastián ang bawat tao upang imulat ang kanilang mga mata, at nang makita ng mga tao ang nilalang ay nagpakamatay sila. Hinayag na si Sebastián ay isang "Seer", at sa gayon ay hindi naaapektuhan. Lumitaw si Anna at binati si Sebastián sa "nailigtas" niyang mga tao, at hinimok siyang maghanap ng iba pang mga tao na tinawag nilang "naliligaw na tupa".

Ipinakita na siyam na buwan bago ang pagdating ng mga nilalang ay ang nagtulak sa mga tao na tumakas. Nakuha ni Sebastián si Anna ngunit nawala ang kanyang asawa sa isang aksidente sa sasakyan. Sa paghahanap niya ng matataguan, nakahanap siya ng kanlungan sa isang simbahan at nakilala niya si Esteban, isang pastor na ang teorya sa mga nilalang ay mga anghel, at ang lahat ay dapat na lumaya mula sa pagdurusa sa pamamagitan ng pagtanggap ng kamatayan. Sinubukan nina Sebastián at Anna na magtago ngunit isang araw ay natuklasan ng grupo ng mga seers sa pangunguna ni Padre Esteban ang kanilang pinagtataguan at nahuli sila. Pinilit ni Esteban na idilat ni Anna ang kanyang mga mata, na ikinamatay niya. Pagkatapos ay hinarap ni Sebastián ang mga nilalang, ngunit sa halip na kamatayan ay nakita niya ang aparisyon ni Anna, na sinamahan siya mula noon. Sinabi ni Anna kay Sebastián na ang mga kalujluwa ng mga patay ay pumupunta sa isang "magandang lugar" at makakasama niya ang kanyang ina at siya kapag nakapagligtas siya ng sapat na tao sa lupa.

Nakatagpo ni Sebastián ang isang grupo na pinamumunuan ni Rafa. Kasama sa grupo sina Octavio, isang deliveryman na may kalaaman sa physics; Roberto at Isabel, mag-kasintahan; Claire, isang psychiatrist; at Sofia, isang batang babaeng na nahiwalay sa kanyang ina. May teorya si Octavio na ang mga nilalang ay mga quantum beings na nakakita ng takot at kalungkutan ng mga tao. Ibinahagi ni Sofia ang impormasyon tungkol sa Montjuïc Castle, na pinaniniwalaang isang ligtas na lugar na mapupuntahan ang gondola. Dahil sa determinasyon ng grupo na marating ito nag simula sila sa paglalakbay.

Naunang namatay si Rafa sa paglalakbay matapos na sabotaihin ni Sebastián ang tali ng aso, at ang natitirang sa grupo ay nagpatuloy sa paglalakbay. Dinala ni Sebastián si Octavio sa kanyang kamatayan, ngunit nagsimulang magduda si Sebastián sinabi ni Anna sa aparisyon nito. Pumanaw din sina Roberto at Isabel. Pinaghinalaan ni Claire na si Sebastián ay isang seer at pinoprotektahan niya si Sofia. Nagsimulang lumaban si Sebastián impluwensya ni Anna, at nangako kina Claire at Sofia na poprotektahan niya sila. Samantala, natagpuan ni Esteban at ng kanyang mga kasama ang tatlo. Tinulungan ni Sebastián sina Claire at Sofia na makasakay sa gondola lift, pagkatapos ay hinarap nito si Esteban. Ang nag-away ang mga ito gamit ang isang matulis na bakal at nagpatayan, ngunit nang mamamatay na si Sebastián ay nakita niya sa itaas ang gondola na sakay sina Claire at Sofia patungo sa ligtas na lugar.

Pumasok sina Claire at Sofia sa Montjuïc, nanaginga isang lihim na kampo ng militar. Muling nakasama ni Sofia ang kanyang ina. Sumailalim si Claire sa mga pagsusuri sa dugo upang makabuo ng isang antibody na maaaring magbigay ng lunas laban sa impluwensya ng mga nilalang. Tinurukan ng mga mananaliksik ng antibody ang daga sa isang sarado na silid, kung saan nakikita nila ang isang nilalang sa na nakahiwalay na silid. Ang isang seer na nakadena sa isang kama ay sumisigaw at nakikiusap na makita ito.

  •  Mario Casas bilang Sebastián[2]
  • Alejandra Howard bilang Anna[2]
  • Georgina Campbell bilang Claire[2]
  • Naila Schuberth bilang Sofia[2]
  • Diego Calva bilang Octavio[2]
  • Leonardo Sbaraglia bilang Esteban[2]
  • Lola Dueñas bilang Isabel[2]
  • Patrick Criado bilang Rafa[2]
  • Gonzalo de Castro bilang Roberto[2]
  • Michele Jenner
  • Celia Freijeiro

Isang Spanish spin-off ng Bird Box ang ibinalita noong Marso 2021 kasama ang Nostromo Pictures na gumagawa ng proyekto.[3] Ang pelikula ay isinulat at idinirek nina Álex Pastor at David Pastor, kasama sina Dylan Clark, Núria Valls, Adrián Guerra, Chris Morgan, Ryan Lewis, at Josh Malerman bilang mga prodyuser at Brian Williams at Ainsley Davies executive producing.[4]

Noong Oktubre 2021 sina Mario Casas, Georgina Campbell, Diego Calva, Alejandra Howard, Naila Schuberth, Patrick Criado, Celia Freijeiro kasama sina Lola Dueñas, Gonzalo de Castro, Michelle Jenner at Leonardo Sbaraglia ay ipinahayag na gaganap sa pelikula.[5]

Noong Enero 2022, naiulat na nagsimula ang pangunahing pagkuha sa Espanya.[6]

Mapapanood ang pelikula sa Netflix mula Hulyo 14, 2023.[7]

Nakatanggap ang Bird Box Barcelona ng magkakaibang mga komento mula sa mga kritiko. Sa isang website ay mababasa na: "Expanding the franchise with some effective twists, Bird Box Barcelona lacks some of its predecessor's creepy tension but remains occasionally involving in its own right." [8] Ang Metacritic ay nag-uulat ng 45 sa 100 na marka, batay sa 20 pagsusuri, na nagsasaad ng "halo-halo o average na mga komento." [9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Bird Box Barcelona (15)". British Board of Film Classification. Hulyo 13, 2023. Nakuha noong Hulyo 14, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 2.8 "Bird Box Barcelona: Take a Peek at Who's in the Apocalyptic Thriller". Netflix Tudum. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 10, 2023. Nakuha noong 2023-06-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Wiseman, Andreas (Marso 12, 2021). "Netflix Sensation 'Bird Box' Is Getting A Spanish Spinoff Movie". Deadline Hollywood. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 16, 2023. Nakuha noong Mayo 11, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Devore, Britta (Mayo 9, 2023). "First 'Bird Box Barcelona' Teaser & Image Bring the Deadly Carnage to Spain". Collider. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 9, 2023. Nakuha noong Mayo 11, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Grater, Tom (Oktubre 28, 2021). "Netflix Sets Cast For Spanish 'Bird Box' Spin-Off". Deadline Hollywood. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 11, 2023. Nakuha noong Mayo 11, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Tartagli, Nancy (Enero 20, 2022). "Netflix's David Kosse Talks Drawing Top Talent For Streamer's European Film Push & What's On Deck". Deadline Hollywood. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 24, 2023. Nakuha noong Mayo 11, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Travis, Ben (Mayo 9, 2023). "Bird Box Barcelona Trailer Unveils Netflix's Surprise Spin-Off Movie". Empireonline. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 11, 2023. Nakuha noong Mayo 11, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Bird Box Barcelona (2023)". Rotten Tomatoes. Nakuha noong Hulyo 17, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Bird Box Barcelona". Metacritic. Nakuha noong Hulyo 17, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)