Pumunta sa nilalaman

Gabi ng Pangangaluluwa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bisperas ng Araw ng mga Patay)
Gabi ng Pangangaluluwa
Pag-uukit ng jack-o'-lantern, isang karaniwang tradisyon sa Halloween
Ibang tawag
  • Halloween
  • Hallowe'en
  • All Hallowe'en
  • All Hallows' Eve[1]
  • All Saints' Eve[2]
Ipinagdiriwang ngMga Kanluraning Kristiyano at maraming di-Kristiyano sa mundo[3]
UriKristiyano
KahalagahanUnang araw ng Allhallowtide
Mga pagdiriwangTrick-or-treat, costume parties, paggawa ng mga jack-o'-lantern, pagsisindi ng siga, paghuhula, apple bobbing, pagdadalaw sa mga pinagmumultuhang lugar.
Mga pamimitaganPagsamba sa simbahan,[4] pagdarasal,[5] pag-aayuno,[3] at bihilya[6]
PetsaOktubre 31
Kaugnay saUndas

Ang Gabi ng Pangangaluluwa[7] o mas kilala bilang Halloween[8] ay pistang ipinagdiriwang sa maraming bansa tuwing Oktubre 31, ang bisperas ng Undas. Sinisimulan nito ang pangingilin ng Allhallowtide,[9] ang panahon sa taong liturhikal nakalaan sa pag-aalala ng patay, kabilang ang mga santo, martir, at lahat ng yumao.[10][11]

Ayon sa isang teorya, naimpluwensiyahan ang mga kaugalian sa Halloween ng mga kapistahan sa pag-aani ng mga Selta, lalo na ang Samhain, isang kapistahang Gaeliko, na pinaniniwalaang nag-uugat sa paganismo.[12][13][14][15] Humihigit pa ang ilan at nagmumungkahi na maaaring naisakristiyano ang Samhain bilang Undas, pati na rin ang bisperas nito, ng sinaunang Simbahan.[16] Pinaniniwalaan ng mga ibang akademiko na nagsimula ang Halloween bilang kapistahang Kristiyano lamang, na siyang bihilya ng Undas.[17][18][19][20] Ipinagdiriwang sa Irlanda at Eskosya ng daan-daang taon, nagdala ang mga dayuhang Irlandes at Eskoses ng maraming kaugalian ng Halloween sa Hilagang Amerika sa ika-19 na siglo,[21][22] at sa pamamagitan ng impluwensiya ng Amerika, kumalat ang Halloween sa mga ibang bansa sa dulong bahagi ng ika-20 at unang bahagi ng ika-21 siglo.[23][24]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Elwell, Walter A. (2001). Evangelical Dictionary of Theology [Ebanghelikong Diksyunaryo ng Teolohiya] (sa wikang Ingles). Baker Academic. p. 533. ISBN 978-0-8010-2075-9. Halloween (All Hallows Eve). Ang pangalang ibinigay sa Oktubre 31, ang bisperas ng Kristiyanong kapistahan na Undas (Nobyembre 1). (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "NEDCO Producers' Guide" (sa wikang Ingles). 31–33. Northeast Dairy Cooperative Federation. 1973. Dating ipinagdiwang bilang gabi bago ang Undas, pinili ng mga Kristiyano ang Nobyembre 1 para igalang ang kanilang mga santo. Ang gabi bago iyon ay tinawag na All Saints' Eve o hallowed eve na may kahulugang banal na gabi. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "BBC – Religions – Christianity: All Hallows' Eve" [BBC – Mga Relihiyon – Kristiyanismo: All Hallows' Eve] (sa wikang Ingles). British Broadcasting Corporation (BBC). 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Nobyembre 2011. Nakuha noong 1 Nobyembre 2011. Laganap ang paniwala na maraming tradisyon ng Hallowe'en ay nanggaling sa sinaunang pista ng mga Selta na tinatawag na Samhain na isinakristiyano ng sinaunang Simbahan.... Pumapatak ang All Hallows' Eve sa ika-31 ng Oktubre sa bawat taon, at ito ang bisperas ng All Hallows' Day, kilala rin bilang Araw ng mga Santo sa kalendaryong Kristiyano. Naging kaugalian ng Simbahan na magdaos ng bihilya sa Bisperas ng Undas kung kailan maghahanda ang mga mananamba sa pamamagitan ng pagdarasal at pag-aayuno bago ang mismong araw ng kapistahan. Ang pangalan ay nagmula sa Lumang Ingles na 'hallowed' na nangangahulugang banal o pinabanal at ngayon ay pinapaikli sa mas kilalang salita na Hallowe'en. ...Gayunpaman, may mga tagasuporta ng pananaw na ang Hallowe'en, bilang bisperas ng Undas, ay hindi nanggaling mula sa Samhain ... (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Service for All Hallows' Eve". The Book of Occasional Services 2003. Church Publishing, Inc. 2004. p. 108. ISBN 978-0-89869-409-3. Magagamit ang sambang ito sa gabi ng Oktubre 31, kilala bilang All Hallows' Eve. Maaaring maganap ang mga angkop na kasiyahan at libangan bago o pagkatapos ng sambang ito, at maaaring bisitahin ang isang sementeryo o libingan. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Anne E. Kitch (2004). The Anglican Family Prayer Book. Church Publishing, Inc. ISBN 978-0-8192-2565-8. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Enero 2017. Nakuha noong 31 Oktubre 2011. Ang All Hallow's Eve, na kalaunan ay nakilala bilang "Halloween", ay ipinagdiriwang sa gabi bago ang Undas, Nobyembre 1. Gamitin itong simpleng pagsamba kasabay ng kapistahan ng Halloween na markahan ang mga Kristiyanong ugat ng pagdiriwang na ito. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. The Paulist Liturgy Planning Guide. Paulist Press. 2006. ISBN 978-0-8091-4414-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Oktubre 2017. Nakuha noong 31 Oktubre 2011. Sa halip na makipagkumpetensya, makabubuting konsiderahin ng mga tagaplano ng liturhiya ang mga paraan ng pagsasama ng mga bata sa pagdiriwang ng mga Misa bihilya. Halimbawa, maaaring hikayatin ang mga bata na magsuot ng mga Halloween costume na kumakatawan sa kanilang pintakasi o paboritong santo, para makadagdag ng bagong kahulugan sa mga pagdiriwang ng Halloween at sa pagdiriwang ng Undas. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Gaboy, Luciano L. Halloween, gabi ng pangangaluluwa - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  8. Thomson, Thomas; Annandale, Charles (1896). A History of the Scottish People from the Earliest Times: From the Union of the kingdoms, 1706, to the present time [Kasaysyan ng mga Ekoses mula sa Pinakaunang Panahon: Mula sa Unyon ng mga kaharian, 1706, hanggang sa kasalukuyan] (sa wikang Ingles). Blackie. Nakuha noong 31 Oktubre 2011. Sa mga nakasaad na simpleng pagdiriwang na kakaiba sa Eskosya, ang pinakamahalaga ang Hallowe'en, na pinaikli mula sa All-hallow Evening, o ang gabi ng Undas, ang taunang pagbalik ng panahon para sa kagalakan at kasiyahan. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Tudor Hallowtide" (sa wikang Ingles). National Trust for Places of Historic Interest or Natural Beauty. 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Oktubre 2014. Sinasaklaw ng Hallowtide ang tatlong araw – 31 Oktubre (Gabi ng Pangangaluluwa o Halloween), 1 Nobyembre (Undas) at 2 Nobyembre (Araw ng mga Kaluluwa). (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Hughes, Rebekkah (29 Oktubre 2014). "Happy Hallowe'en Surrey!" (PDF). The Stag. University of Surrey. p. 1. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 19 Nobyembre 2015. Nakuha noong 31 Oktubre 2015. Ang Halloween o Hallowe'en, ay ang taunang pista sa Oktubre 31 na nangangahulugan ng unang araw ng Allhallowtide, ang panahon para alalahanin ang mga yumao, kabilang dito ang mga martir, santo at lahat ng mga tapat na yumaong Kristiyano. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Davis, Kenneth C. (29 Disyembre 2009). Don't Know Much About Mythology: Everything You Need to Know About the Greatest Stories in Human History but Never Learned [Kaunti Lang Ang Alam sa Mitolohiya: Lahat ng Kailangang Alamin Tungkol sa Mga Pinakamagandang Kuwento sa Kasaysayan ng Tao Ngunit Hindi Kailanman Natutunan] (sa wikang Ingles). HarperCollins. p. 231. ISBN 978-0-06-192575-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Smith, Bonnie G. (2004). Women's History in Global Perspective [Kasaysayan ng Kababaihan sa Pandaigdigang Pananaw] (sa wikang Ingles). University of Illinois Press. p. 66. ISBN 978-0-252-02931-8. Nakuha noong 14 Disyembre 2015. Halata ang impluwensiya ng pre-Kristiyanong pamimitagan sa Kristiyanong pagdiriwang ng All Hallows' Eve kung paanong nakaapekto ang kapistahang Taoista sa kapistahang Ullambana ng mga Budista. Kahit binigay-diin ng Kristiyanong uri ng Undas at Araw ng Kaluluwa ang mga dasal para sa yumao, pagbibisita sa libingan, at papel ng mga nabubuhay sa pagtitiyak ng ligtas na daan patungo sa langit ng kanilang mga pumanaw na mga mahal sa buhay, hindi kailanman nawala ang mga lumang paniwala. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Nicholas Rogers (2002). Halloween: From Pagan Ritual to Party Night [Gabi ng Pangangaluwa: Mula Paganong Ritwal hanggang Parti sa Gabi] (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-516896-9. Nakuha noong 31 Oktubre 2011. Iisa ang pinanggalingan ng Halloween at Dia de Muertos sa paggunita ng mga Kristiyano sa mga pumanaw sa Undas at Araw ng Kaluluwa. Ngunit inaakala na ang dalawa ay nagtataglay ng matibay na paniniwalang pre-Kristiyano. Sa kaso ng Halloween, napakahalaga ang Seltang pagdiriwang ng Samhain sa pamanang pagano nito, isang pag-aangkin na nilagay sa harap sa mga nakaraang taon ng mga panatiko ng bagong edad at ng mga ebanghelista sa Kanan. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Austrian information [Impormasyong Austriano] (sa wikang Ingles). 1965. Nakuha noong 31 Oktubre 2011. Ang kapistahan ng Halloween o All Hallows Eve at mga debosyon sa mga patay sa Undas at Araw ng Kaluluwa ay parehong naghalo ng lumang gawain ng mga Selta, Druida, at pagano sa gawaing Kristiyano. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Merriam-Webster's Encyclopædia of World Religions [Ensiklopedya ng Merriam-Webster ukol sa mga Relihiyon ng Mundo] (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. 1999. p. 408. ISBN 978-0-87779-044-0. Nakuha noong 31 Oktubre 2011. Ang Halloween, na "tinatawag" ding All Hallows' Eve, banal na gabi na idinaraos sa Oktubre 31, ang bisperas ng Undas. Naimpluwensiyahan ng mga gawain ng mga pre-Kristiyanong Irlandes ang Kristiyanong kapistahan ng All Hallows' Eve, na ipinagdiriwang sa parehong petsa.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Roberts, Brian K. (1987). The Making of the English Village: A Study in Historical Geography [Ang Pagbuo ng Nayon ng Ingles: Isang Pagsusuri sa Makasaysayang Heograpiya] (sa wikang Ingles). Longman Scientific & Technical. ISBN 978-0-582-30143-6. Nakuha noong 14 Disyembre 2015. Oras sa walang oras, kung kailan nakababa ang hadlang sa pagitan nitong mundo at ng susunod, bumalik ang mga yumao mula sa libingan, at mga diyos at estranghero mula sa kailaliman ay naglakad sa saanmang dako. Dalawang beses ito nangyayari sa isang taon, sa mga petsang isinakristiyanong Bisperas ng Undas at Undas. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. O’Donnell, Hugh; Foley, Malcolm (18 Disyembre 2008). Treat or Trick? Halloween in a Globalising World [Kendi o Biro? Halloween sa Mundong Naggoglobalisa] (sa wikang Ingles). Cambridge Scholars Publishing. pp. 91–92. ISBN 978-1-4438-0265-9. Hutton (1996, 363) identifies Rhys as a key figure who, along with another Oxbridge academic, James Frazer, romanticised the notion of Samhain and exaggerated its influence on Halloween. Hutton argues that Rhys had no substantiated documentary evidence for claiming that Halloween was the Celtic new year, but inferred it from contemporary folklore in Wales and Ireland. Moreover, he argues that Rhys: "thought that [he] was vindicated when he paid a subsequent visit to the Isle of Man and found its people sometimes called 31 October New Year's Night (Hog-unnaa) and practised customs which were usually associated with 31 December. In fact the flimsy nature of all this evidence ought to have been apparent from the start. The divinatory and purificatory rituals on 31 October could be explained by a connection to the most eerie of Christian feasts (All Saints) or by the fact that they ushered in the most dreaded of seasons. The many "Hog-unnaa" customs were also widely practised on the conventional New Year's Eve, and Rhys was uncomfortably aware that they might simply have been transferred, in recent years, from then Hallowe'en, to increase merriment and fundraising on the latter. He got round this problem by asserting that in his opinion (based upon no evidence at all) the transfer had been the other way round." ... Hutton points out that Rhy's unsubstantiated notions were further popularised by Frazer who used them to support an idea of his own, that Samhain, as well as being the origin of Halloween, had also been a pagan Celtic feast of the dead—a notion used to account for the element of ghosts, witches and other unworldly spirits commonly featured within Halloween. ... Halloween's preoccupation with the netherworld and with the supernatural owes more to the Christian festival of All Saints or All Souls, rather than vice versa.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Barr, Beth Allison (28 Oktubre 2016). "Guess what? Halloween is more Christian than Pagan" [Hulaan mo? Mas Kristiyano kaysa Pagano ang Halloween]. The Washington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Oktubre 2020. It is the medieval Christian festivals of All Saints' and All Souls' that provide our firmest foundation for Halloween. From emphasizing dead souls (both good and evil), to decorating skeletons, lighting candles for processions, building bonfires to ward off evil spirits, organizing community feasts, and even encouraging carnival practices like costumes, the medieval and early modern traditions of "Hallowtide" fit well with our modern holiday. So what does this all mean? It means that when we celebrate Halloween, we are definitely participating in a tradition with deep historical roots. But, while those roots are firmly situated in the medieval Christian past, their historical connection to "paganism" is rather more tenuous.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. * Moser, Stefan (29 Oktubre 2010). "Kein 'Trick or Treat' bei Salzburgs Kelten" (sa wikang Aleman). Salzburger Nachrichten. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Marso 2014. Nakuha noong 11 Agosto 2017. Die Kelten haben gar nichts mit Halloween zu tun", entkräftet Stefan Moser, Direktor des Keltenmuseums Hallein, einen weit verbreiteten Mythos. Moser sieht die Ursprünge von Halloween insgesamt in einem christlichen Brauch, nicht in einem keltischen.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    • Döring, Alois; Bolinius, Erich (31 Oktubre 2006), Samhain – Halloween – Allerheiligen (sa wikang Aleman), FDP Emden, Die lückenhaften religionsgeschichtlichen Überlieferungen, die auf die Neuzeit begrenzte historische Dimension der Halloween-Kultausprägung, vor allem auch die Halloween-Metaphorik legen nahe, daß wir umdenken müssen: Halloween geht nicht auf das heidnische Samhain zurück, sondern steht in Bezug zum christlichen Totengedenkfest Allerheiligen/ Allerseelen.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    • Hörandner, Editha (2005). Halloween in der Steiermark und anderswo (sa wikang Aleman). LIT Verlag Münster. pp. 8, 12, 30. ISBN 978-3-8258-8889-3. Der Wunsch nach einer Tradition, deren Anfänge sich in grauer Vorzeit verlieren, ist bei Dachleuten wie laien gleichmäßig verbreitet. ... Abgesehen von Irrtümern wie die Herleitung des Fests in ungebrochener Tradition ("seit 2000 Jahren") ist eine mangelnde vertrautheit mit der heimischen Folklore festzustellen. Allerheiligen war lange vor der Halloween invasion ein wichtiger Brauchtermin und ist das ncoh heute. ... So wie viele heimische Bräuche generell als fruchtbarkeitsbringend und dämonenaustreibend interpretiert werden, was trottz aller Aufklärungsarbeit nicht auszurotten ist, begegnet uns Halloween als ...heidnisches Fest. Aber es wird nicht als solches inszeniert.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    • Döring, Dr. Volkskundler Alois (2011). "Süßes, Saures – olle Kamellen? Ist Halloween schon wieder out?" (sa wikang Aleman). Westdeutscher Rundfunk. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2011. Nakuha noong 12 Nobyembre 2015. Dr. Alois Döring ist wissenschaftlicher Referent für Volkskunde beim LVR-Institut für Landeskunde und Regionalgeschichte Bonn. Er schrieb zahlreiche Bücher über Bräuche im Rheinland, darunter das Nachschlagewerk "Rheinische Bräuche durch das Jahr". Darin widerspricht Döring der These, Halloween sei ursprünglich ein keltisch-heidnisches Totenfest. Vielmehr stamme Halloween von den britischen Inseln, der Begriff leite sich ab von "All Hallows eve", Abend vor Allerheiligen. Irische Einwanderer hätten das Fest nach Amerika gebracht, so Döring, von wo aus es als "amerikanischer" Brauch nach Europa zurückkehrte.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "All Hallows' Eve" (sa wikang Ingles). British Broadcasting Corporation. 20 Oktubre 2011. Nakuha noong 29 Oktubre 2020. However, there are supporters of the view that Hallowe'en, as the eve of All Saints' Day, originated entirely independently of Samhain and some question the existence of a specific pan-Celtic religious festival which took place on 31st October/1st November.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Rogers, Nicholas. Halloween: From Pagan Ritual to Party Night. Oxford University Press, 2002. pp. 49–50. ISBN 0-19-516896-8.
  22. Brunvand, Jan (editor). American Folklore: An Encyclopedia. Routledge, 2006. p.749
  23. Colavito, Jason. Knowing Fear: Science, Knowledge and the Development of the Horror Genre. McFarland, 2007. pp.151–152
  24. Rogers, Nicholas (2002). Halloween: From Pagan Ritual to Party Night, p. 164. New York: Oxford University Press. ISBN 0-19-516896-8

Kultura Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.