Biyak na pudendal
Biyak na pudendal | |
---|---|
Mga detalye | |
Latin | rima pudendi |
Mga pagkakakilanlan | |
Anatomiya ni Gray | p.1265 |
Dorlands /Elsevier | r_14/12711774 |
TA | A09.2.01.006 |
FMA | 19995 |
Ang Gatlang pudendal, hating pudendal, biyak na pudendal, bitak na pangpudendum, o hiwang pangpudendum (Ingles: pudendal cleft, cleft of Venus [gatla ni Benus], pudendal fissure, pudendal cleavage, pudendal slit, urogenital cleft, vulvar slit, rima vulvae, o rima pudendi[1]) ay isang bahagi ng bulba (pudendum), ang tudling sa ibaba ng mons pubis kung saan nahahati ito upang buuin ang labia majora. Ang henitalyang pambabae ay pinaka pangkaraniwang naiintindihan bilang ang gatlang pudendal na may kolokyal na mga salitang kasingkahulugan na pasalitang pangkanto na katulad ng biyak, hiwa, at butas. Ang pangalang "hiwa ni Benus" (gatla ni Benus o hati ni Benus) ay isang pagtukoy kay Benus, ang diyosa ng pag-ibig sa mitolohiyang Romano.
Sa ilang mga babaeng tao, ang pindong ng tinggil at labia minora ay nakaungos palagos sa gatlang pudendal; sa iba ay hindi.