Pumunta sa nilalaman

Bombshell

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Pailaw noong bagong taon Enero 1, 2009

Ang Bombshell o Fireworks ay isang uri ng pirotekniya na isa sa mga ginagamit tuwing bagong taon, kapistahan, pang selebrasyon at iba pa. Ito ay hugis tubo na ipinapasok ang pulbura na hugis bilog at ipapasok sa butas. at kapag tapos ay sisindihan ang mitsa nito, o sa dikuryenteng gamit, hindi tulad nang ordinaryong pailaw na hugis parisukat. na may baba lamang nang limang palapag, Ang Bombshell ay umaabot sa taas na sampu hanggang kinseng palapag na gusali kung maikukumpara sa mababa. Ito ay nag lilika nang ingay, usok, liwanag, pagsabog, pag lutang na mga bagang galing sa apoy.[1][2]

Ang uri ng bombshell na gawa sa typical spider ng epekto sa Omiya, Japan noong Agosto 2007.

Sa Pilipinas legal ang Bombshell na umaabot sa halagang 8 walong libo sa presyo, kapag ito'y ibinenta, ito ay maihahalintulad sa "Pailaw" na ordinaryo, Ang Bombshell ay mga seksyong kinabibilangan sa isang kinalalagyan tulad nang isang tubo, na inilalagay sa isang kahon o sa bakal na hugis parisukat upang maging alalay sa isang ilang bahagi ng tubo.

Mga halimbawa ng bawat Tambutso (bombshell) sa Sayne Castle, Aleman.

Ngunit ito ay delikado para sa mga gagamit nito na mayroong limang distansya ang layo kapag ito'y sisindihan




Mga hugis at epekto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ang pinakamadaling gawin na paputok. Nangangailangan lang ito ng tinatawag na stars o pulburang hinulmang maliit na bilog o bola.

Ang krisantemo o chrysanthemum ay nahahalintulad sa peony kaso dinagdagan lamang ng tinatawag na tiger tail stars na gumagawa ng epekto na parang may buntot ito.

Ito ay parang chrysanthemum, ngunit wala itong stars. Ito lamang ay gawa sa tiger tail stars, Sa langit, nagmumukha itong laso.

Ang singsing o ring ay isang uri ng hugis ng paputok na lumilikha ng natatanging hugis ng bilog sa langit na nahahalintulad sa singsing ng planetang Saturno.

Heart, Smiley and Star

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga paputok na heart, smiley at star ay gawa sa mga star na naisaayos batay sa pattern na magagawa nito sa kalangitan.

Ang willow ay isang uri ng hugis ng paputok na may natatanging hugis ng isang puno ng willow dahil sa may naiiwang mahabang buntot ang mga stars nito na karaniwang bumabagsak sa lupa.

Buntot ng kabayo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang buntot ng kabayo o horsetail ay isa rin uri ng paputok na lumilikha ng natatanging hugis ng buntot ng kabayo. Madalas itong pinagkakamalang kamuro dahil sa pagkakapareho nito.

Ang kamuro ay isang magandang uri ng paputok na nahahalintulad sa willow, ngunit, hugis oval ang korte nito. Dahil nahahalintulad ito sa gupit ng buhok ng mga batang Hapones, ito ay binansagang kamuro.

Ang pistil ay ang inner layer ng mga paputok.

Ito ay kadalasang ginagamit ng mga Hapones sa kanilang Hanabi Festival. Ito ay kadalasang nagbabago ng kulay.

Ang pagkislap o strobe ay isang uri ng paputok na nahahalintulad sa mga bituin o sa tinatawag na strobe lights.

Ito ay parang krisantemo ngunit, mas kakaunti ang stars nito.

Hugis-gagamba

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang hugis-gagamba o spider ay isang uri ng epekto na nahahalintulad sa mga paa ng mga gagamba.

Puno ng niyog

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang puno ng niyog o palm tree ay parang dahlia ngunit mayroon itong ascent tail

Ito ay walang stars o tiger tail stars. Ito lamang ay gawa sa flash powder

Ascent stars and tails

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang ascent stars and tails ay ang mga stars o tiger tail stars na nilalagay sa parte kung nasaan nakalagay ang lift charge. Sa oras na sinindihan ang bombshell, ito ay lumilitaw.

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagpito o whistle ay isang tunog na nalilikha ng ibang paputok,

Ang crackle ay isa ring uri ng tunog na nalilikha ng paputok. Nahahalintulad ito sa tunog ng apoy.

Ang pagsabog o explosion ay isang uri ng tunog na nililikha ng halos lahat ng mga paputok.