Bonaire
Ang Bonaire (pagbigkas: bo•neyr; Dutch: Bonaire, Papiamentu: Boneiru) ay isang pulo sa Caribbean na kasama ng Aruba at Curaçao ay bumubo sa mga ABC islands na matatagpuan sa hilagang baybayin ng Timog Amerika malapit sa kanlurang bahagi ng Venezuela. Ang pulo ay may populasyon na 17,408 at lawak na 294 km² (kasama sa sukat ang di-tinitirhang Klein Bonaire).
Inakalang ang pangalang ng Bonaire ay nagmula sa salitang Caquetiong 'Bonay'. Binago ng mga Espanyol at Dutch ang baybay nito at naging Bojnaj at pati na rin Bonaire, na ibig sabihin ay "Mabuting Hangin".
Dating bahagi ng Netherlands Antilles ang Bonaire buwagin ang naturang bansa noong Oktubre 10, 2010,[1] nang maging isang espesyal na munisipalidad sa loob ng bansang Netherlands.[2]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Antillen opgeheven". NOS Nieuws. 18 Nobyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2009. Nakuha noong 10 Oktubre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Olandes) "Wet openbare lichamen Bonaire, Sint Eustatius en Saba
(Law on the public bodies of Bonaire, Sint Eustatius and Saba)". Dutch Government. Nakuha noong 14 Oktubre 2010.{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)