Pumunta sa nilalaman

Bubuwit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bubwit)
Tungkol ito sa isang hayop. Tingnan ang maws na pangkompyuter para sa aparatong pangturo na pangkompyuter.

Bubuwit
Temporal na saklaw: Huling Mioseno - Kamakailan
Dagang-bahay, Mus musculus
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Superpamilya:
Pamilya:
Subpamilya:
Sari:
Mus

Linnaeus, 1758
Mga uri

30 nakikilalang mga uri

Ang bubuwit[1] o maliit na daga (Ingles: mouse [isahan], mice [maramihan][1]) ay isang uri ng daga, na isang uri ng mamalya. Malimit na ginagamit ang maliliit na mga hayop na ito para sa mga eksperimentong pang-agham, o minsan bilang alagang hayop. May ilang mga taong iniisip na mga salot o peste ang mga bubuwit na nagdadala at nagsasanhi ng mga karamdaman. May ilan namang mga taong nagtuturing sa mga bubuwit bilang mga walang-malay o inosente, nakakatuwa, at nakakaakit na mga hayop. Dahil kabilang sila sa pangkat na Rodentia, kamag-anakan sila ng mga iskwirel, malaking daga, at kastor. Paminsan-minsang nagagamit ang salitang "daga" para tukuyin ang bubuwit o maliliit na mga daga at malalaking mga daga (mga rat sa Ingles), ngunit mayroon itong kamalian. Kumakain ang mga bubuwit ng mga langgutan, mga buto ng halaman, mga ratiles, at marami pang iba. Sinisila at kinakain ang mga bubuwit ng mga kuwago, soro, pusa, at iba pa.

Pinakapangkaraniwan sa mga bubuwit ang dagang-bahay. Karaniwang silang itinuturing na mga pesteng pumapasok sa mga kotse at mga bahay.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Mouse, mice, bubuwit, daga - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Mamalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.