Pumunta sa nilalaman

Budhi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Vincent van Gogh, 1890. Kröller-Müller Museum. The Good Samaritan (mula kay Delacroix).

Ang budhi (mula sa Sanskrito: बोधि [bōdhi]) o konsiyensiya ay ang batayan ng pagsusuri ng kilos at ang sumasaklaw sa pansariling batayan ayon sa katotohanan at katwiran, alinsunod sa likas na batas moral. Ito rin ay bahagi ng kaisipan na humuhusga kung mabuti o masama ang kilos na gagawin o ginagawa ng isang tao.

Dalawang uri ng budhi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karaniwa'y may dalawang uri ng budhi: tama at mali.

  • Tamang budhi: kapag ito ay naghusga o nagpasya batay sa tamang prinsipyo na ang isang aksiyon ay naaayon o dili kaya'y taliwas sa batas.
  • Maling budhi: kapag ito ay nagpasyang tama ang isang aksiyon batay sa maling prinsipyo at kapag ang aksyo'y hinusgahang mali kahit nababatay sa tamang batas.


Pilosopiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.