Pumunta sa nilalaman

Bukas na lungsod

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ipinahayag ang Maynila bilang bukas na lungsod noong Disyembre 1941.

Sa digmaan, sa nalalapit na pagkabihag ng isang siyudad o lungsod sa kaaway nito sa digmaan, ang pamahalaan o militar na kumokontrol sa siyudad ay minsang magdedeklara na ang sinasakop na siyudad ay isa nang bukas na lungsod na nangangahulugang inaabandona ng pamahalaan ang lahat ng mga pagsisikap na ipagtanggol ang siyudad mula sa kaaway. Ang mga hukbo ng kaaway ay inaasahan namang hindi bobombahin o wawasakin ang siyudad ngunit magmamartsa lamang dito. Ang konseptong ito ay upang maingatan ang mga makasaysayang mga palatandaan o tanawin at mga sibilyan na naninirahan sa siyudad mula sa hindi kinakailangang labanan.

Mga siyudad na idineklarang bukas na siyudad sa kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]