Buklod-kurbata

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Anyo ng buklod-kurbata (nasa gitna) na nakasuot sa isang manekin.
Dalawang uri ng buklod-kurbatang hindi pa ibinibigkis.

Ang buklod-kurbata[1] (Ingles: bowtie, bow tie) ay isang uri ng itinatali o binibigkis na kurbatang "laso", na inilalagay sa paligid ng kuwelyo ng polong pangternong damit ng isang lalaki. Tanyag na isinusuot itong kasama ng kasuotang pormal, katulad ng trahe o terno at tsaketang panghapunan. Binubuo ito ng isang laso ng telang nakatali sa kuwelyo sa paraang pantay upang ang magkabilang dulo ay makabuo ng mga likaw o silo. Mayroong makukuha o mabibiling nakatali o nakabuhol nang mga buklod-kurbata, kung saan nakatahi na ang natatanging anyong "buhol" ng kurbata, na ikinakawit na lamang sa kuwelyo.

Maaaring gawa sa anumang uri ng tela ang mga buklod-kurbata, ngunit karamihan ang yari sa seda, polyester, bulak, o kahaluan ng mga tela. Mas hindi pangkaraniwan ang mga yari sa lana at iba pang mga uri ng tela.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Batay sa tie, nakuha ang buklodkurbat(a)". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


KasuotanModa Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasuotan at Moda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.