Pumunta sa nilalaman

Bulantrisna Djelantik

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Ayu Bulantrisna Djelantik (Setyembre 8, 1947 – Pebrero 24, 2021) ay isang ipinanganak na Olandes na Indones na Balines na mananayaw-pambayan, espesyalista sa ENT specialist, at isang lekturer sa fakuldad ng medisina sa Pamantasang Padjadjaran.

Maagang buhay at edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Bulantrisna ay ipinanganak bilang unang anak sa limang magkakapatid, mula sa mag-asawang Balines-Olandes na sina Dr. AA Made Djelantik at Astri Henriette Zwart.[1] Ang kaniyang ama ay anak ni I Gusti Bagus Jelantik, ang hari ng Rehensiyang Karangasem.[2] Ang kaniyang ina ay anak ng sikat na Olandes na designer na si Piet Zwart, isang tagapagtaguyod ng kilusang De Stijl.[3] Ang ama ni Bulantrisna ay nag-aaral sa Olanda noong panahon ng aklasan para sa kalayaan ng Indonesia, kung saan nakilala niya ang kaniyang magiging asawa. Bilang isang WHO malaryohista at pinuno ng Bali Health Department, si Dr. Djelantik ay nagtrabaho sa maraming lugar sa Indonesia at sa ibang bansa.[4]

Ginugol ni Bulantrisna ang kaniyang pagkabata sa Bali, kung saan ipinatawag ng kaniyang ama ang mga tradisynal na dalubhasa sa sayaw na nagturo sa kaniya at sa kaniyang mga kapatid ng klasikal na sayaw na Balinese.[2][5] Pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa medisina sa Bandung, Indonesia, at nagkaroon siya ng karera bilang isang doktor at nanirahan sa ibang bansa ng ilang taon kasama na sa Estados Unidos.[kailangan ng sanggunian]

Bumalik siya sa Indonesia pagkatapos ng apat na taon sa ibang bansa at nanirahan sa Bandung.[6] Nagturo siya sa fakuldad ng medisina sa Pamantasang Padjadjaran, at nagtrabaho bilang isang Otorinolaringolohista. Si Bulantrisna din ang tagapangulo ng Southeast Asia Society for Sound Hearing.[kailangan ng sanggunian]

Nagtatag si Bulantrisna ng studio pansayaw na tinatawag na Bengkel Tari Ayu Bulan (Workshop Pansayaw ni Ayu Bulan), na aktibo pa rin sa pagsasagawa ng mga workshop at pagtatanghal sa Indonesia gayundin sa maraming iba pang mga bansa.[6] Pangunahin niyang ginampanan ang mga klasikal na sayaw ng legong kasama ang kaniyang dance troupe, na nakabase sa Jakarta.[5] Nakipagtulungan din siya sa koreograpia sa iba, tulad ni Retno Maruti, ang master ng mga klasikal na sayaw na Javanes.[7]

Bukod sa mga sayaw, sinuportahan din ni Bulantrisna ang paggawa ng pelikula at pelikula sa Indonesia kasama ang Balitaksu Foundation, at ang paglalathala ng sining at panitikang pambata sa Lathalaing Saritaksu.[kailangan ng sanggunian]

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Namatay si Bulantrisna noong Pebrero 24, 2021 dahil sa pancreatic cancer.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Buyers, Christopher (2002). "Genealogy of the Noble House of Karangasem". Puri Agung Karangasem website. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Setyembre 2017. Nakuha noong 31 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Djwan, J.B. (2 Pebrero 2010). "Bulantrisna Djelantik: A very nice pair of genes". The Jakarta Post, archived at purikarangasem.com. Nakuha noong 31 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Tobing, Sorta. "Gairah abadi Bulantrisna Djelantik". Lokadata.ID (sa wikang Indones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-08. Nakuha noong 2021-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Vickers, Adrian (16 Setyembre 2007). "Farewell Dr Djelantik". Adrian Vickers' Indonesia Blog, School of Languages and Cultures, The University of Sydney, Australia. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Oktubre 2017. Nakuha noong 31 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Bali Now! / Life in the Island (9 Hunyo 2016). "Water Palaces in the Age of Rajas". Copyright 2015. Phoenix Communication.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Harsianti, Juliana (29 Enero 2016). "NuArt Lab: Making Bandung an art collaboration center". The Jakarta Post. Nakuha noong 31 Oktubre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Heraty, Toeti (2012). Calon Arang: Kisah Perempuan Korban Patriarki. Yayasan Pustaka Obor Indonesia. p. xxvi. ISBN 9789794618332.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Profil Dokter Anak Agung Ayu Bulantrisna Djelantik, Meninggal Dunia karena Kanker Pankreas". Tribun Bali (sa wikang Indones). Nakuha noong 2021-02-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)