Pumunta sa nilalaman

Mata

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Buliga)
Ang mata ng isang tao.

Ang mga mata[1], busilig[1], o buliga[2] ang organo ng paningin na nakadarama ng liwanag. Iba't ibang uri ng mga madaling-makaramdam na mga organo ang matatagpuan sa mga magkakaiba't ibang mga organismo. Walang ginagawa ang mga pinakapayak ng mga mata kundi ang dumama ng liwanag at kadiliman sa kapaligiran, habang nakakapansin naman ng mga hugis at kulay ang mga mas masalimuot na uri ng mga mata.

Malawakang nagkakasanib-sanib ang mga nasasakop ng pananaw ng ilan sa mga ganitong uri ng mga masalimuot na mga mata: katulad ng pagpapahintulot ng mas mainam na pagpuna sa antas ng kalaliman (paninging binokular o paninging tila-largabista) sa mga mammal[3]; at nakaposisyon naman ang ibang mata upang mabawasan ang pagkakapatung-patong ng mga nasasakop ng pananaw, katulad ng sa mga kuneho at sa mga kamelyon. Karaniwang tumutukoy ang buliga sa kabuoan ng bilog ng mata; samantalang sa harap ng mata o sa buong bilog din ng mata ang busilig.[1][2]

Ang mga mata ng isang tutubi.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Mata, busilig". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 252 at 902.
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Eye, buliga - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Fernald, R D (Marso 1992). "The Evolution of Eyes". Annual Reviews of Neuroscience. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-09-29. Nakuha noong 2022-09-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.