Pumunta sa nilalaman

Bundok Danglay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Bundok Danglay ay isang burol na matatagpuan sa probinsiya ng Samar sa rehiyon ng Silangang Kabisayaan sa bansang Pilipinas.[1] Ito ay may taas na 38 metro o 125 talampakan sa ibabaw ng dagat.[2][3]

Matatagpuan ang Bundok Danglay sa munisipalidad ng Basey sa probinsiya ng Samar sa bansang Pilipinas sa latitud na 11° 18' 0" Hilaga at sa longhitud na 125° 0' 0" Silangan.[3][4]

Alamat ng Bundok Danglay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong dalawang alamat na maaaring iugnay sa Bundok Danglay. Ito ay ang kwento tungkol sa magkapatid na Danglay at Bagahupi at ang isa naman ay tungkol sa mag-asawang sina Dang at Mulay.[5][6][7]

Danglay at Bagahupi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa alamat, isang nagngangalang Dimatakdol ang namumuno sa isla na pinagdurugtong ng isang dalahikan. Siya ay may dalawang anak na sina Danglay at Bagahupi. Bago mamatay si Dimatakdol ay inihabilin niya ang kanyang nasasakupan sa kanyang dalawang anak. Pagkatapos mailibing ni Dimatakdol ay nag-away sina Danglay at Bagahupi tungkol sa kung sino ang mamumuno sa isla. Napagpasyahan ng dalawang magkapatid na hatiin ang isla sa kanilang dalawa. Napunta kay Danglay, ang mas matanda at mas matipuno sa magkapatid, ang mas malaking bahagi ng isla na nasa hilaga samantalang napunta naman kay Bagahupi ang mas maliit na parte na nasa timog. Naging mapayapa ang kanilang pamumuno hanggang sa pag-awayan naman nila kung kanino mapupunta ang dalahikan na may matabang lupa. Namatay sa labanan ang dalawang magkapatid. Dahil sa galit ni Bathala sa walang katuturan na pag-aaway ng dalawang magkapatid ay pinatamaan niya ng kidlat ang dalahikan na naging sanhi ng pagkakabiyak nito sa ilang bahagi. Ang mga bahaging ito ay naging mga maliliit na isla. Dalawang bundok ang nabuo sa magkabilang panig ng nasirang dalahikan. Ang mga bundok ay sina Danglay at Bagahupi na nagbabantay sa kani-kanilang nasasakupan at ang dalawang isla na kanilang binabantayan ay ang Leyte at Samar ngayon.[5]

Dang at Mulay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa sanaysay, mayroong mag-asawang nagngangalang Dang at Mulay na nakatira sa latiang baybayin ng Kabatok. Sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng panghuhuli ng mga alimango at paggawa ng mgs basket kung saan nilalagay nila ang kanilang mga nahuli para pagbili sa isang nayon sa Samar. Isang umaga ay nakakita si Dang ng isang higanteng alimango habang naglalagay siya ng mga bitag sa dagat. Sinabi niya ito kay Mulay at napagpasyahan nilang gumawa ng malaking basket si Mulay para hulihin ang higanteng alimango. Pagkatapos magawa ang malaking basket, isang gabi, ay inakit nila ang higanteng alimango tungo sa ginawa nilang bitag. Nakuha nila ang higanteng alimango at inilagay ito sa malaking basket. Subalit nakalimutan nila ang pantakip ng basket kaya't kumawala ang higanteng alimango sa basket habang natutulog ang mag-asawa at pinuntahan ang mag-asawang Dang at Mulay na noo'y natutulog. Nagising si Dang at nakita niyang papunta sa kanilang kinaroroonan ang higanteng alimango. Sinikap niyang ito'y mapatay subalit matigas ang shell nito kaya hindi tumagos ang sibat na ginamit ni Dang. Kinuha ng higanteng alimango ang mag-asawa at hinagis sa mga bato. Napasigaw si Mulay ng “TAKLUBAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!” dahil sa takot. Kinabukasan, ay nakita ng mga taga-nayon ang mga bangkay nina Dang at Mulay at sila ay inilibing. Pagkatapos ng maraming taon ay may namuong isang bundok sa lugar kung saan inilibing ang mag-asawa at ito'y tinawag na Bundok Danglay mula kina Dang at Mulay.[6][7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Mount Danglay, Basey, Province of Samar, Eastern Visayas, Philippines". mindat.org. mindat.org and the Hudson Institute of Mineralogy. Nakuha noong 21 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Mount Danglay". Mapcarta. Mapcarta. Nakuha noong 21 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Mount Danglay". geoview.info. Nakuha noong 21 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Philippine Standard Geographic Code (PSGC)". Philippine Statistics Authority. Philippine Government. Nakuha noong 21 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Alegre, Joycie. "The Waray Culture of the Philippines". Academia. Academia. Nakuha noong 21 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Tacloban's Legend". All About Tacloban City. Nakuha noong 21 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "The Legend of Mount Danglay". Scribd. Scribd Inc. Nakuha noong 21 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)