Pumunta sa nilalaman

Sion

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bundok ng Sion)

Ang Sion[1] (Ingles: Zion,Hebreo: ציון‎), ay isang lugar na kadalasang ginagamit bilang kasingkahulugan ng Jerusalem.[2][3][4] Unang natagpuan ang salita sa Samuel II, 5:7 noong c.630–540 BCE sang-ayon sa makabagong karunungan. Karaniwang tumutukoy ito sa bundok na malapit sa Jerusalem (Bundok Sion), na nakatayo ang isang muog ng Jebusita na may katulad na pangalan na sinakop ni David at pinangalang Lungsod ni David.

Ang burol ng Sion ay na nasa loob ng lungsod ng Sinaunang Herusalem. Dito sa maliit na bundok na ito itinatag ng mga Hudyo ang templo ng Diyos. Ngunit bago pa man ito naging katawagan para sa isang burol na kinatatayuan ng templo ng Diyos, orihinal itong isang designasyon o itinalagang katawagan para sa Lungsod ni David, na isang muog ng Jebusita na nasakop ng mga puwersa ni Haring David ng Bibliya.[5] Kung minsan, tumutukoy rin ang Sion o ang katagang Anak na Babae ng Sion sa buong lungsod ng Jerusalem, at nagiging katawagan din para sa mga tao ng Diyos.[6] Tumutukoy din ito sa mga Hudyo o mga may kaugnay sa mga ito, sa Israel, sa isang pook na may katapatan sa Diyos, sa isang utopya o pamayanan o lugar na kaaya-aya.[7]

  1. Abriol, Jose C. (2000). "Sion, sa Mga Romano 11: 26". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1657.
  2. Tremper Longman, Peter Enns (2008). Tremper Longman, Peter Enns (pat.). Dictionary of the Old Testament: wisdom, poetry & writings, Volume 3 (ika-Illustrated (na) edisyon). InterVarsity Press. p. 936. ISBN 978-0-8308-1783-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Terry R. Briley (2000). Isaiah, Volume 1 - The College Press NIV commentary: Old Testament series. College Press. p. 49. ISBN 978-0-55100-846-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Geoffrey W. Bromiley (1982). Geoffrey W. Bromiley (pat.). International Standard Bible Encyclopedia: E-J Volume 2 (ika-Revised (na) edisyon). Wm. B. Eerdmans Publishing. p. 1006. ISBN 978-0-8028-3782-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. American Bible Society (2009). "Zion, kahulugan o paglalarawang nagmula sa Word List". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 136.
  6. The Committee on Bible Translation (1984). "Zion, Daughter of Zion". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B13.
  7. Gaboy, Luciano L. Zion - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.