Sion

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Sion[1] (Ingles: Zion) ay isang burol na nasa loob ng lungsod ng Sinaunang Herusalem. Dito sa maliit na bundok na ito itinatag ng mga Hudyo ang templo ng Diyos. Ngunit bago pa man ito naging katawagan para sa isang burol na kinatatayuan ng templo ng Diyos, orihinal itong isang designasyon o itinalagang katawagan para sa Lungsod ni David, na isang Hebusitong malakas na kampong nasakop ng mga puwersa ni Haring David ng Bibliya.[2] Kung minsan, tumutukoy rin ang Sion o ang katagang Anak na Babae ng Sion sa buong lungsod ng Herusalem, at nagiging katawagan din para sa mga tao ng Diyos.[3] Tumutukoy din ito sa mga Hudyo o mga may kaugnay sa mga ito, sa Israel, sa isang pook na may katapatan sa Diyos, sa isang utopya o pamayanan o lugar na kaaya-aya.[4]

Sanggunian[baguhin]

  1. Abriol, Jose C.. (2000). "Sion, sa Mga Romano 11: 26". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 1657.
  2. American Bible Society. (2009). "Zion, kahulugan o paglalarawang nagmula sa Word List". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York., pahina 136.
  3. The Committee on Bible Translation. (1984). "Zion, Daughter of Zion". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA., Dictionary/Concordance, pahina B13.
  4. Gaboy, Luciano L.. "Zion". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.