Balagat
Itsura
(Idinirekta mula sa Buto ng kuwelyo)
Ang balagat ay ang dalawang buto sa magkabilang gilid ng dalawang balikat na tinatawag ding klabikula, o butong kulyar.[1][2] Isang mahabang buto ang isang balagat na bahagi ng balikat, na dumurugtong sa braso patungo sa pangunahing bahagi ng katawan. Ito ang suporta para sa butong iskapula o tunay na paypay (minsang natatawag ding "paypay" ang balagat)[1] at tumutulong sa malayang pagbitin ng braso. Dahil dito, napapahintulutan ang brasong makagawa ng mga maraming galaw o kilos. Binubuo ang balagat ng mala-esponghang butong tinatawag na kanselus na buto, at natatakpan ng matigas na kabibe ng buto.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Clavicle, balagat, paypay, klabikula; scapula, paypay - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ De Guzman, Maria Odulio (1968). "Clavicle, balagat". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 93.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.