Calliope
Sa mitolohiyang Griyego, si Caliope o Calliope ( /kəˈlaɪ.əpiː/ kə-LY-ə-pee; Sinaunang Griyego: Καλλιόπη Kalliopē "may magandang tinig") ay ang musa ng panulaang epiko,[1] anak na babae nina Zeus at Mnemosyne, at pinaniniwalaan na musa ni Homer, ang inspirasyon para sa Odyssey at sa Iliad.[2]
Mayroong isang pagsasalaysay na nagsasabing si Calliope ay ang mangingibig ng diyos ng digmaan na si Ares, at nagkaroon sila ng ilang mga anak na lalaki: sina Mygdon, Edonus, Biston, at Odomantus (o Odomas), na isa-isang naging mga tagapagtatag ng mga tribong Thraciano na nakikilala bilang Mygdones, Edones, Bistones, at Odomantes[kailangan ng sanggunian].
Nagkaroon din si Calliope ng dalawang bantog na mga anak na lalaki, si Orpheus[3] at si Linus,[4] na anak niya mula kay Apollo o mula sa haring si Oeagrus ng Thrace. Tinuruan ni Calliope si Orpheus ng mga bersong pang-awitin.[3] Ayon kay Hesiod, siya rin ang pinakamarunong sa mga Musa, at siya ring pinakamapilit. Pinakasalan ni Calliope si Oeagrus sa isang lugar na malapit sa Pimpleia,[5] Olympus.
Karaniwang inilalarawan si Calliope bilang may hawak na tabletang sulatan. Sa kung minsan, inilalarawan siya na may hawak na isang rolyo ng papel o isang aklat o may suot na koronang ginto.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lempriere, D.D., 1788. A Classical Dictionary. London: Milner and Sowerby. pp. 132
- ↑ Subalit ang paniniwalang ito hinggil sa pagkakakilanlan ng diyosa ay hindi talaga mapapatotohanan magmula sa teksto ng Iliad, dahil walang ebidensiya hinggil sa pangtukoy na θεά (diyosa). Hindi gumawa ng ganiyang pagpapahayag si Kirk o si Leaf sa kanilang mga komentaryo patungkol sa "Iliad". Payak na sinabi lamang nila na siya "ang Musa" (Μοῦσα). Tingnan ang G. S. Kirk, patnugot, Books 1–4, tomo I ng The Iliad: A Commentary (Cambridge: Cambridge University Press, 1985), p. 51; at Walter Leaf, patnugot, Books I–XII, tomo I ng The Iliad. Ika-2 edisyon (London: Macmillan, 1900), p. 3.
- ↑ 3.0 3.1 The Greek Gods by Hoopes And Evslin, ISBN 0-590-44110-8, ISBN 0-590-44110-8, 1995, pahina 77.
- ↑ Apollodorus, Library and Epitome, 2.4.9, This Linus was a brother of Orpheus; he came to Thebes and became a Theban
- ↑ THE ARGONAUTICA,BOOK I,"(ll. 23–34).