Pumunta sa nilalaman

Kaloriya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Calorie)
kaloriya
Kantidad: enerhiya
Simbolo: cal
Katumbas ng yunit
Ang 1 cal sa... ay may katumbas na...
   joules    4.182 J

Ang kaloriya ay isang yunit ng enerhiya na nagmula sa teoryang kaloriko ng init.[1][2] Tumutukoy ang malaking kaloriya, kaloriyang pandiyeta, o kilong kaloriya sa antas ng init na kailangan upang pataasin ang temperatura ng isang litro ng tubig ng isang degri Celsius (o isang kelvin).[1][3] Tumutukoy ang maliit na kaloriya o gramong kaloriya sa antas ng init na kailangan upang maging sanhi ng gayunding pagpataas sa isang mililitro ng tubig. Kaya, katumbas ng 1 malaking kaloriya ang 1000 maliit na kaloriya.[3][4][5][1]

Isang 24 US fluid ounce (710 ml) na inuming pampalakas na may 330 malaking kaloriya

Sa nutrisyon at agham ng pagkain, maaaring tumukoy ang salitang kaloriya at simbolong cal sa malaking yunit o maliit na yunit sa mga iba't ibang rehiyon ng mundo. Karaniwang ginagamit ito sa mga publikasyon at mga etiketa ng pakete upang ipahayag ang halaga ng enerhiya ng mga pagkain sa bawat serbing o sa bawat timbang, inirerekomendang pagkonsumo ng kaloriyang pandiyeta,[6][7] antas ng metabolismo, atbp.

Enerhiya ng pagkain

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinakakaraniwan ang paggamit ng yunit sa pagpapahayag ng enerhiya ng pagkain, alalaong baga ang tiyak na enerhiya (enerhiya sa bawat masa) sa pagmemetabolisa ng mga iba't ibang pagkain. Halimbawa, naglalaman ang taba (lipidong trigliserido) ng 9 kilokaloriya kada gramo (kcal/g), habang halos 4 kcal/g ang nilalaman ng mga karbohidrata (sugar and starch) at protina.[8] 7 kcal/g ang nilalaman ng alkohol sa pagkain.[9] Ginagamit din ang "malaking" yunit sa pagpapahiwatig ng inirerekomendang pagkonsumo ng sustansiya, gaya ng sa "kaloriya kada araw".

Ang pagdidiyeta ay pagkokonsumo ng pagkain sa kontroladong paraan upang mabawasan, mapanatili, o tumaas ang timbang ng katawan, o para maiwasan at lunasan ang mga sakit tulad ng diabetes at katabaan. Dahil nakadepende ang pagbabawas ng timbang sa pagbabawas ng pagkonsumo ng kaloriya, napatunayang epektibo, sa karaniwan, ang iba't ibang uri ng diyeta na bawas-kaloriya.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Christopher W. Morris (1992) Academic Press Dictionary of Science and Technology [Diksiyonaryo ng Akademikong Pamamahayag sa Agham at Teknolohiya] (sa wikang Ingles). 2432 pahina. ISBN 9780122004001
  2. Allison Marsh (2020): "How Counting Calories Became a Science: Calorimeters defined the nutritional value of food and the output of steam generators [Kung Paano Naging Agham Ang Pagbibilang ng Kaloriya: Tinukoy ng mga kalorimetro ang halagang nutrisyonal ng pagkain at ang output ng mga steam generator] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 2022-01-21 sa Wayback Machine." Artikulong online sa IEEE Spectrum Naka-arkibo 2022-01-20 sa Wayback Machine. website, pinetsahang 29 Disyembre 2020. Nakuha noong 2022-01-20.
  3. 3.0 3.1 "Definition of Calorie" [Kahulugan ng Kaloriya]. Merriam-Webster (sa wikang Ingles). 1 Agosto 2017. Nakuha noong 4 Setyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Cambridge Dictionary: calorie" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Definition of calorie noun from the Oxford Advanced American Dictionary" [Kahulugan ng pangngalang kaloriya mula sa Oxford Advanced American Dictionary] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. U. S. Food and Drug Administration (2019): "Calories on the Menu - Information for [Mga Kaloriya sa Menu - Impormasyon para sa] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 2022-01-20 sa Wayback Machine.". Dokumentong online sa Website ng FDA Naka-arkibo 2013-09-15 sa Wayback Machine., pinetsahang 5 Agosto 2019. Nakuha noong 2022-01-20.
  7. U. K. National Health Service (2019): "What should my daily intake of calories be? [Ano ba dapat ang aking arawang pagkonsumo ng kaloriya?] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 2022-01-21 sa Wayback Machine.". Dokumentong online sa NHS website Naka-arkibo 2020-05-02 sa Wayback Machine., pinetsahang 24 Oktubre 2019. Nakuha noong 2022-01-20.
  8. "How Do Food Manufacturers Calculate the Calorie Count of Packaged Foods?" [Paano Kinakalkula ng Mga Tagagawa ng Pagkain ang Bilang ng Kaloriya sa Mga Pagkaing Nakabalot]. Scientific American (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Setyembre 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Calories - Fat, Protein, Carbohydrates, Alcohol. Calories per gram" [Mga Kaloriya - Taba, Protina, Karbohidrata, Alkohol. Kaloriya kada gramo]. Nutristrategy (sa wikang Ingles).
  10. Strychar, I. (3 Enero 2006). "Diet in the management of weight loss" [Diyeta sa pamamahala ng pagbabawas ng timbang]. Canadian Medical Association Journal (sa wikang Ingles). 174 (1): 56–63. doi:10.1503/cmaj.045037. ISSN 0820-3946. PMC 1319349. PMID 16389240.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)