Pumunta sa nilalaman

Cancer (astrolohiya)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cancer (Astrolohiya))
Cancer at the Wisconsin State Capitol.

Ang Cancer ang ikaapat na signo ng sodyak at pinamumunuan siya ng Buwan. Ang Cancer ang pinakasensitibo sa lahat ng mga signos at ang pinakamalakas sa mga signos na may elementong Tubig.

Ang tahanan at buhay pamilya ang pinakaimportante sa lahat ng Cancer, at gagawin nila ng lahat mapangalagaan nila ang seguridad ng kanilang mga tahanan. Madaling masaktan ang mga Cancer sa mga haka-haka ng ibang tao. Kumplikado ang mga Cancer dahil minsan akala mo napakatatag na mga tao, minsan naman akala mo'y musmos na madaling paiyakin.

Marami ang hindi nakakaunawa sa Cancer, at masasabing tunay ngang kakaunti lang ang nakakaintindi sa kanila. Mapagmahal ang mga Cancer, kapag nagsimula na silang magmahal, mahirap na silang pigilan. Pero matinding kalaban ang Cancer. Mahiyain ang mga Cancer, pabago-bago ang saloobin, at mabilis na mag-react batay sa emosyon at lukso-ng-dugo kesa sa mga lohikal at nasa rasong pag-iisip. Kung ayaw nilang kumilos, wala kang magagawa dahil hindi talaga sila kikilos, hindi pag-uudyok ang makakapagpakilos sa kanila kundi kabutihan lang.

Ilan sa mga interes ng Cancer ay tahanan, seguridad, at pagiging makabayan.

Kung ang Cancer ay nasa cusp (bakuran) ng isang Bahay ng sodyak, o kung alin mang buntala ang nasa Cancer, ang suliranin ng buntalang iyon, o ng Bahay na iyon, ay naiimpluwensiyahan ng pabago-bagong damdamin, sobrang pagiging madamdamin, mala-inang pag-aaruga, pangangailangang makisalamuha at makilala ng publiko, minsan may kaugnayan sa pagkain o di naman kaya ay "lukso-ng-dugo" at mga tamang hinala.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hewitt, William, Astrology for Beginners, 2002, B. Jain Publishers, New Delhi, pp.288, ISBN: 81-7021-1180-1