Sodyak
Sa larangan ng astrolohiya, ang sodyak[1] (Ingles: zodiac) ay ang nilalakaran ng araw[2] sa loob ng isang taon. Sa paningin ng mga astrologo, ang araw ay bumabaybay sa kalangitan at may mga partikular na pangkat ng mga bituin na dinadaanan dito. Ang mga pangkat ng mga bituin na ito ay mga sagisag[1] ng mga hayop: gaya ng kambing (Aries), Leon (Leo), Alimango (Cancer), Alakdan (Scorpio)o di naman kaya ay tao: gaya ng Birhen (Virgo), Taga-igib ng tubig (Aquarius), Nanunudla (Sagittarius) o di naman kaya ay bagay: gaya ng Timbangan(Libra).
Astrolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Para sa mga sinaunang astrologo, mas maganda nga namang pangalan na lang ang buong sagisag o signo - gaya halimbawa ng Aries, kesa nga naman isa-isahin yung bituin na bumubuo ng signo ng Aries. May apat na bituin na bumubuo ng Signo ng Aries at ito ang Hamal, Sheratan, Mesartim at 41 Arietis. Isipin mo na lang kung sasabihin ng Astrologo: "ang araw ay ngayon ay nasa katabi ng Sheratan, at sa makalawa ay nasa Mesartim na ito." Mas madaling memoryahin ang 12 signo ng sodyak, kesa pangalan lahat ang halos daang-daang bituin sa kalangitan.
Napansin din ng mga astrologo na kapag nakikita na nilang binabaybay ng "buntalang" araw ang signo ng Aries, nagsisimula na ang Tagsibol. Kapag nasa signo na siya ng Alimango Cancer, Tag-init na siya, at kapag nasa signo na siya ng Timbagan (Libra) ay Taglagas. Ang sodyak ang naging basehan ng mga kalendaryo at ng mga pagtatanim.
Magkaiba ang sagisag ng sodyak ng tradisyong Kanluranin at sa mga Tsino. Kung ang sa mga taga-Kanluran ay sa mga dibuho o imahe na nakikita nila sa mga bituin. Ang sa mga Tsino ay batay sa kanilang relihiyong Budismo.
Mga Kanluraning Sodyak
[baguhin | baguhin ang wikitext]Signo | Panahon ng Pagdaan ng Araw | Eksaktong Oras sa Pilipinas |
---|---|---|
Aries | 20 Marso 2013 (0 degri Aries) | 7:02 ng gabi |
Taurus | 20 Abril 2013 (0 degri Taurus) | 6:03 ng umaga |
Gemini | 21 Mayo 2013 (0 degri Gemini) | 5:09 ng umaga |
Cancer | 21 Hunyo 2013 (0 degri Cancer) | 1:04 ng hapon |
Leo | 22 Hulyo 2013 (0 degri Leo) | 11:56 ng gabi |
Virgo | 23 Agosto 2013 (0 degri Virgo) | 7:02 ng umaga |
Libra | 23 Septembre 2013 (0 degri Libra) | 4:44 ng umaga |
Scorpio | 23 Oktubre 2013 (0 degri Scorpio) | 2:10 ng hapon |
Sagittarius | 22 Nobyembre 2013 ((0 degri Sagittarius) | 11:48 ng umaga |
Capricorn | 22 Disyembre 2013 (0 degri Capricorn) | 1:11 ng umaga |
Aquarius | 20 Enero 2014 (0 degri Aquarius) | 11:51 ng umaga |
Pisces | 19 Pebrero 2014 (0 degri Pisces) | 1:59 ng umaga |
Mga Silangang Sodyak
[baguhin | baguhin ang wikitext]Signo | Panahon | Petsa | Direksyon |
---|---|---|---|
Tigre | Tagsibol | 4 Pebrero - 5 Marso | Hilagang Silangan (NEE) |
Kuneho | 6 Marso - 4 Abril | Silangan (East) | |
Dragon | 5 Abril - 4 Mayo | Timog Silangan (SEE) | |
Ahas | Tag-init | 5 Mayo - 5 Hunyo | Timog Silangan (SSE) |
Kabayo | 6 Hunyo - 6 Hulyo | Timog (South) | |
Kambing | 7 Hulyo - 6 Agosto | Timog Kanluran (SSW) | |
Unggoy | Taglagas | 7 Agosto - 7 Setyembre | Timog Kanluran (SWW) |
Tandang | 8 Setyembre - 7 Oktubre | Kanluran (West) | |
Aso | 8 Oktubre - 6 Nobyembre | Hilagang Kanluran (NWW) | |
Baboy | Taglamig | 7 Nobyembre - 6 Disyembre | Hilagang Kanluran (NNW) |
Daga | 7 Disyembre - 5 Enero | Hilaga (North) | |
Baka | 6 Enero - 3 Pebrero | Hilagang Silangan (NNE) |
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Garapal at Anak ni Filemon. Sodyak, zodiac, English-Tagalog Dictionary, Tagalog for Beginners, Geocities.com, 1999
- ↑ Zodiac: lakad ng araw Naka-arkibo 2012-05-21 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astrolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.