Candace Flynn
Candace Flynn | |
---|---|
Tauhan sa Phineas and Ferb | |
Unang paglitaw | "Rollercoaster" |
Huling paglitaw | "Last Day of Summer" (2015) |
Nilikha ni |
Dan Povenmire Jeff "Swampy" Marsh |
Binosesan ni | Ashley Tisdale |
Kabatiran | |
Mga bansag | Candace Gertrude Flynn (birthname) |
Kasarian | Babae |
Mag-anak | Linda Flynn (ina) Lawrence Fletcher (amain) Phineas Flynn at Ferb Fletcher (mga nakababatang kapatid) |
(Mga)mahahalagang tao sa buhay | Jeremy Johnson |
Mga anak | Xavier, Fred at Amanda (mga anak sa hinaharap) |
Kabansaan | Amerikano |
Si Candace Flynn ay isa sa mga tauhan ng palabas na Phineas and Ferb. Siya ay ang nakatatandang kapatid nina Phineas Flynn at Ferb Fletcher.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Candace ay 15 taong gulang at panganay sa magkakapatid sa tahanan ng Flynn-Fletcher. Ipinanganak siya noong ika-11 ng Hulyo, 1993 sa inang si Linda Flynn at sa di-kilalang ama. Nang siya'y bata pa, mahilig siyang maglaro ng manikang bibe na kung tawagin ay Ducky Momo. Nag-aaral pa lang si Candace sa elementarya nang isilang ng kaniyang ina ang kanyang nakababatang kapatid na si Phineas. Meron silang alagang platypus na ang hindi nila alam ay isang secret agent si Perry the Platypus. Ang kanyang matalik na kaibigan ay si Stacy Hirano.
Noong si Candace ay nag-aaral sa mataas na paaralan, napaibig siya sa binatang si Jeremy Johnson na kinalaunan ay naging magkasintahan na sila.
Papel sa Phineas and Ferb
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil sa mga imbensyong ginagawa nina Phineas at Ferb araw-araw, layunin ni Candace na isumbong ang magkakapatid sa kanilang ina. Subalit, bago pa man umuuwi ang kanilang ina, bigla na lang naglalaho ang mga imbensyong ginawa ng kanyang mga kapatid. Sa tuwing dumarating ang kanilang ina, bagama't naisumbong na ni Candace kay Linda, hindi ito naniniwala kay Candace na nag-imbento ng mga bagay sina Phineas at Ferb.