Pumunta sa nilalaman

Lunday (bangka)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Canoeing)
Isang uri ng lunday.

Ang lunday, baroto, kano, o kanoe (mula sa Ingles na canoe) ay isang uri ng bangka na dating ginagamit lamang ng mga katutubong Indiyan o native Indians (hindi ang mga taga-Indiya).[1] Maliit ito at karaniwang pinapakilos ng lakas ng tao, ngunit madalas ding pinaaandar ng layag. Matulis sa magkabilang dulo ang mga ito at kalimitang bukas sa ibaba, ngunit maaari ring takpan. Pinapaandar ito sa pamamagitan ng mga sagwan, na nakabatay ang bilang mga sagwan sa sukat nito, karaniwang dalawa. Nakaharap ang mga mananagwan sa patutunguhan ng manlalakbay, na maaaring nakaupo o nakaluhod. Sa ganitong paraan, kaiba ito sa pananagwang patalikod na hindi nakaharap sa pupuntahan ng naglalakbay. Maaaring isahan o dalawahan ang talim ng mga sagwan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Canoe - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.