Carl Sagan
Carl Sagan | |
---|---|
Kapanganakan | Carl Edward Sagan 9 Nobyembre 1934 Brooklyn, New York, U.S. |
Kamatayan | 20 Disyembre 1996 Seattle, Washington, U.S. | (edad 62)
Nasyonalidad | American |
Edukasyon | Rahway High School |
Nagtapos | University of Chicago, Cornell University |
Kilala sa | Search for Extra-Terrestrial Intelligence (SETI) Cosmos: A Personal Voyage Cosmos Voyager Golden Record Pioneer plaque Contact Pale Blue Dot |
Asawa | Lynn Margulis (1957–1965; divorced; 2 children) Linda Salzman (1968–1981; divorced; 1 child) Ann Druyan (1981–1996; his death; 2 children) |
Parangal | NASA Distinguished Public Service Medal (1977) Pulitzer Prize for General Non-Fiction (1978) Oersted Medal (1990) National Academy of Sciences Public Welfare Medal (1994) |
Karera sa agham | |
Larangan | Astronomy, astrophysics, cosmology, astrobiology, space science, planetary science |
Institusyon | Cornell University Harvard University Smithsonian Astrophysical Observatory University of California, Berkeley |
Si Carl Edward Sagan ( /ˈseɪɡən/; 9 Nobyembre 1934 – 20 Disyembre 1996) ay isang Amerikanong astronomo, astropisiko, kosmologo, manunulat, tagapagpasikat ng agham, at komunikador ng agham sa astronomiya at mga natural na agham. Kanyang ginugol ang karamihan ng kanyang karera bilang propesor ng astronomiya sa Cornell University kung saan niya pinangasiwaan ang Laboratory for Planetary Studies. Naglimbag siya ng higit sa 600 mga papel pang-agham[1] gayundin mga artikulo at may akda, kapwa may akda o editor ng higit sa 20 aklat. Kanyang itinaguyod ang skeptikal na pagsisiyasat at pamamaraang siyentipiko, pinangunahan ang eksobiolohiya at itinaguyod ang Search for Extra-Terrestrial Intelligence (SETI).
Si Sagan ay kilala sa kanyang mga aklat ng popular na agham at para sa kanyang nagwagi ng gantimpalang seryeng pantelebisyon noong 1980 na Cosmos: A Personal Voyage na kanyang isinalaysay at kapwa isinulat.[2] Ang aklat na Cosmos ay inilimbag upang samahan ang serye. Isinulat ni Sagan ang nobelang Contact na basehan ng pelikula noong 1997 na Contact.