Agham pamplaneta
Ang agham pamplaneta (Ingles:planetary science) ay ang makaagham na pag-aaral ng mga planeta (kabilang ang Daigdig), mga buwan o likas na mga satelayt, at mga sistemang pamplaneta, partikular na ang ng sa Sistemang Solar at ang mga prosesong bumubuo sa kanila. Pinag-aaralan sa larangang ito ang mga bagay na iba't iba ang sukat mula sa mga mikrometeoroyd hanggang sa mga dambuhalang singaw, na may layuning malaman ang kanilang komposisyon o kayarian, dinamika, pormasyon, ugnayan, at kasaysayan. Isa itong larangang mahigpit na kailangan ang ugnayang interdisiplinaryo, na orihinal na lumaki mula sa astronomiya at agham pangdaigdig,[1] subalit nagsasama na ngayon ng maraming mga disiplina, kabilang ang astronomiyang pamplaneta, heolohiyang pamplaneta (kasama ng heokimika at ng heopisika), heograpiyang pisikal (heomorpolohiya at kartograpiya na ayon sa paggamit sa mga planeta), agham pang-atmospera, teoretikal na agham pamplaneta, at ang pag-aaral ng mga planetang ekstrasolar.[1] Kabilang sa katulong na mga disiplina ang pisika ng kalawakan, kapag nakatuon sa mga epekto ng Araw sa ibabaw ng mga katawan ng Sistemang Solar, at astrobiyolohiya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Taylor, Stuart Ross (29 Hulyo 2004). "Why can't planets be like stars?". Nature. 430: 509. doi:10.1038/430509a.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.