Pumunta sa nilalaman

Casino Español de Manila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Casino Español de Manila
Casino Español de Manila official clubhouse
Ang harapan ng himpilan ng Casino Español de Manila
Map
Pangkalahatang impormasyon
Estilong arkitekturalNeo-renaissance
Kinaroroonan14°35′04″N 120°59′05″E / 14.5844°N 120.9848°E / 14.5844; 120.9848
PahatiranNo. 855 Teodoro M. Kalaw Extension
Bayan o lungsodMaynila
BansaPilipinas
Groundbreaking1913
Pagpapasinaya1917
Inayos1951
Disenyo at konstruksiyon
ArkitektoJuan Arellano
Nag-ayos na koponan
ArkitektoJosé María Zaragoza
Websayt
gwclubshares.com/casino-espanol-de-manila

Ang Casino Español de Manila ay isang panglibangang kapisanan na itinatag noong 1888 ng mga Kastila na naninirahan sa Pilipinas bilang kanilang eksklusibong pinangyayarihan para sa kanilang mga libangan at panlipunang aktibidad. Nang maglaon, binuksan ng Casino ang mga pinto nito sa pagsapi ng mga Pilipino upang pasiglahin ang ugnayang Espanyol-Pilipino sa bansa.[1] Ito ay matatagpuan sa No. 855 Teodoro M. Kalaw Extension, Ermita, Maynila.

Ito ay isa sa tatlong mga Casino Español sa bansa, nabibilang ang nasa Lungsod ng Cebu (itinayo noong 1920 at tumatakbo pa rin) at Lungsod ng Iloilo (itinayo noong 1926 at lubusang nasira sa kinalabasan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naiwan nang ganoon).[2][3]

Pang-makasaysayang palatandaan na inilagay ng National Historical Institute noong 1993.
Pagtanaw sa Casino Español de Manila mula sa kalawakan (1930)

Panahon ng Espanyol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sinaunang talaan ay nag-uulat na ang Gobernador Heneral Narciso Clavería y Zaldúa ay ginawang pormal ang gusali ng casino sa Maynila noong ika-31 ng October 1844,[4] na ipinagdiriwang ng Casino bilang araw ng pagkakatatag nito.

Panahon ng kolonyal na Amerikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang gusali ng Casino Español de Manila ay itinayo noong 1913 ngunit pormal na binuksan noong 1917. Dinisenyo ito ng arkitekto na si Juan Arellano,[5] na pinagsama-sama ang mga impluwensyang neo-renaissance.[6]

Ang istraktura ay sumakop ng buong lawak mula sa Abenida Taft hanggang Kalye San Marcelino at nagbahay sa mga tanggapan ng Spanish Chamber of Commerce at ang Konsulado Heneral ng Espanya.[7] Bilang opisyal na clubhouse at tagpuang panglipunan ng pamayanang Espanyol, ang pangsalubong ng gusali at mga bulwagan nito ay pinagdadausan ng mga kasiyahan, mga pagdiriwang at sayawan. Kabilang sa mga nabanggit na kaganapan sa Casino noong dekada-1930 ay ang maluhong kasiyahan na ginanap upang ipagdiwang ang kaarawan ng Hari ng Espanya.

Noong 1945, ang istraktura ay nawasak noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Pagpapalaya ng Maynila. Pansamantalang inilipat ang club sa isang dalawang palapag na bahay sa kahabaan ng lansangang Apacible (dating Calle Oregon) at lansangang Perez sa Paco, Maynila.

Panahon ng Post-War

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1951, muling itinayo ang Casino Español de Manila sa orihinal nitong kinatatayuan sa tulong ni Ignacio Planas.[5] Parts of the property were sold and the new structure was built facing San Luis Street (now Kalaw Avenue).[1] Ang bagong clubhouse ay dinisenyo ng arkitekto na si José María Zaragoza gamit ang laganap na estilong “Filipino-California-Spanish style”. Ang istraktura ay may mga naka-arko na veranda na nakapalibot sa isang panloob na courtyard.[8]

Ang bagong clubhouse ay pinasinayaan noong ika-3 ng Nobyembre 1951, kasama ang Pangulo Elpidio Quirino and Pangalawang Pangulo Fernando López na mga nagsidalo. Noong 1962, naging host ito sa Prinsipe Infante Juan Carlos ng Espanya (na lumaon ay Haring Juan Carlos I) at Prinsesa Sofía ng Gresya at Denmark (na lumaon ay Reyna Sofía). Dumalaw muli si Reyna Sofia sa club noong taon-2000 para sa isang opisyal na pagbisita sa Pilipinas.

Ang Kasalukuyan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Habang ang Casino Español ay tradisyonal na naglilingkod sa mga kasapi nito, ang mga panauhin ay tinatanggap nito. Naghahain ang 50-katao na Comedor Cervantes ng mga tradisyonal na hanay ng lutuing Espanyol, Pilipino at internasyonal. Pinalamutian ng malalaking antigong plato ang matataas na pader, indibidwal na ginawa at ipininta ng kamay na nagtataglay ng mga sagisag ng bawat distrito ng lalawigan ng Espanya. Ang katabi na Bar el Quixote ay isang silid ng mga piling alak mula sa Espanya at iba pang mga uri ng inumin. Sa likod, mayroon itong isang fronton na ginagamit para sa mga larong jai alai at pelota. Sa tabi ng Casino ay ang espasyong dating kinapopookan ng Instituto Cervantes de Manila kung saan ginanap ang mga pagtuturo ng Espanyol, na nagsulong ng pamana ng kulturang Espanyol sa Pilipinas.

Ang club ay nagdaraos ng mga open-air na kasiyahan sa quadrangle nito, ang Patio de Orquídeas, kung saan ipinagdiriwang ang mga taunang kaganapan, katulad ng "El Día de Los Tres Reyes Magos",[9][10][11] paggunita sa kapistahan ng Tatlong Hari; at ang "Día de Santiago" [12][13][14] na ginugunita ang kapistahan ni Santo Jaime ang Apostol, ang patron ng Espanya. Isang gumigitna na tampok sa arkitektura ng gusali[15] ay ang klaustro, na lumilibot sa bulwagan ng club; ang Salón de Rizal; at ang mga function room tulad ng Salón El Cid at ang Salón de Alegre[16] para sa mga "caballeros"; at ang detalyadong Salón de Señoras para sa mga kababaihan. Patungo sa Fronton ng club kung saan ang mga palaro ng Jai alai at pelota ay ginaganap, ay ang Biblioteca Academia de la Lengua Española, isang silid-aklatan na naglalaman ng koleksyon ng mga artifact at journal tungkol sa Espanya. Noong 1993, ang National Historical Commission of the Philippines ay naglagay ng marker sa entrada ng Casino, na nagpapahayag sa pook na ito bilang aLevel-II istraktura ng pamana (cultural heritage).[17]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Torres, Jose Victor. "The Iberian Social Club". Metrozines: Metro Society. Metro Society. Nakuha noong 25 Mayo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Casino Espanol De Cebu, Inc". casinoespanol.ph. Nakuha noong 2022-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. shemaegomez (2013-01-30). "Iloilo City Cultural Heritage: Casino Español Site". Iloilo Blogger (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Casino Español de Manila – Metro Manila". PHelpy. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Mayo 2014. Nakuha noong 25 Mayo 2014. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "National Registry of Historic Sites and Structures in the Philippines: Casino Español de Manila". National Registry of Historic Sites and Structures in the Philippines. National Historical Commission of the Philippines. Nakuha noong 25 Mayo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Villaruel, Nicole (22 Nobyembre 2013). "American Colonial Contemporary Architecture". Nakuha noong 25 Mayo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Casino Español de Manila historical edifice". Retroscope.ph.
  8. Villalon, Augusto (28 Agosto 2006). "Spanish heritage complex in the heart of Manila". Heritage Conservation Society. Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Mayo 2014. Nakuha noong 25 Mayo 2014. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Why Spain loves the Three Kings more than Santa". thelocal.es. Enero 3, 2019. Nakuha noong Enero 5, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Reyes Magos - Día de los Reyes Magos - Spanish Culture". www.enforex.com.
  11. "Everything You Need to Know about Los Reyes Magos: Spain's Most Beloved Christmas Tradition". Devour Madrid (sa wikang Ingles). 2020-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Dia De Santiago | Feast of St James in Santiago de Compostela | Spanish Fiestas". www.spanish-fiestas.com (sa wikang Ingles).
  13. "Why is the Day of the Apostle Santiago celebrated on July 25?". vivecamino.com (sa wikang Ingles).
  14. "Soñando Sunday: Día de Santiago". Sincerely, Spain (sa wikang Ingles).
  15. "Googlemaps overview of Casino Espanol de Manila". Google Maps.
  16. McClay, Beverly (Disyembre 2020). "Googlemaps focus on Salon de Alegre". Googlemaps.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Placa Informativa de la Historia del Centro". en.wikipedia.org.