Pumunta sa nilalaman

Camillo Benso, Konde ng Cavour

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cavour)
Si Camillo Benso, ang unang punong ministro ng Italya.

Si Camillo Paolo Filippo Giulio Benso, Konde ng Cavour, ng Isolabella at ng Leri (Agosto 10, 1810 – Hunyo 6, 1861), na pangkalahatang nakikilala bilang Cavour (Italyano: [kaˈvur]) o Camillo Cavour[1] ay isang nangungunang pigura sa kilusan ukol sa pag-iisa ng Italya. Siya ang tagapagtatag ng orihinal na Partidong Liberal at Punong Ministro ng Kaharian ng Piedmont-Sardinia, isang posisyong napanatili niya (maliban sa isang resignasyon o pagbibitiw sa tungkulin na tumagal na anim na mga buwan) sa kabuoan ng Ikalawang Digmaang Pangkalayaan ng Italya at sa mga pangangampanya ni Giuseppe Garibaldi upang pag-isahin ang Italya. Pagkaraan ng pagpapahayag ng isang nagkakaisang Kaharian ng Italya, nanungkulan si Cavour bilang unang Punong Ministro ng Italya; namatay siya pagkaraan lamang ng tatlong buwang pagkakaupo sa tungkulin, kung kaya't hindi siya nabuhay upang makita ang Venetia o Roma nang maging bahagi ito ng bagong bansang Italya.

Nagsagawa si Cavour ng ilang mga repormang pang-ekonomiya sa kaniyang tinubuang rehiyon ng Piedmont noong kaagahan ng kaniyang buhay, at inilunsad niya ang pahayagang Il Risorgimento. Pagkaraang mahalal sa Kamara ng mga Deputado, mabilis na tumaas ang kaniyang ranggo sa pamahalaang Piedmontes, at nanguna sa Kamara ng mga Deputado sa pamamagitan ng isang pagkakaisa o unyon ng mga politikong makakaliwang nasa gitna at mga makakanang nasa gitna. Pagkaraan ng isang malaking programa ng pagpapalawak ng sistema ng riles, si Cavour ay naging punong ministro noong 1852. Bilang punong ministro, matagumpay na naipagkasundo ni Cavour ang katayuan ng Piedmont sa mga panahon ng Digmaang Crimeano, Ikalawang Digmaang Pangkalayaan ng Italya, at mga ekspedisyon ni Garibaldi, na nagawang diplomatikong maimaneobra ang Piedmont upang maging isang bagong dakilang kapangyarihan sa Europa, na tumataban sa halos nagkakaisa nang Italya na limang mga ulit ang laki kaysa sa dating Piedmont noong bago siya manungkulan at magkaroon ng kapangyarihan bilang politiko.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Cavour, Camillo". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 34.