Cebu (nobela)
Itsura
May-akda | Peter Bacho |
---|---|
Bansa | Estados Unidos |
Wika | Ingles |
Dyanra | Nobela |
Tagapaglathala | Palimbagan ng Pamantasan ng Washington |
Petsa ng paglathala | Nobyembre 1991 |
Uri ng midya | Nakalimbag na may matigas at malambot na pabalat |
Mga pahina | 205 pahina |
ISBN | ISBN 978-0295971131 |
Ang Cebu ay isang nobelang isinulat ng Pilipino-Amerikanong si Peter Bacho noong 1991. Itinuturing ang akdang ito bilang pinakanakikitang anyo ng pagsulat na pampanitikan mula sa pangalawang salinlahi at katutubong-isinilang na mga Pilipinong Amerikano sa Estados Unidos,[1]. Isa si Bacho sa ilang mga nobelistang mula sa Seattle, Washington noong mga dekada ng 1990 na tumuklas at tumalakay sa kasaysayang pang-lahi at sosyolohiya ng Seattle.[2] Isa ang Cebu sa mga "unang nobelang tungkol sa isang Pilipino-Amerikanong pangunahing kumikilala sa sarili na kabahagi ng mga lokalidad ng Estados Unidos"[3] sa halip na kabahagi ng bansang Pilipinas.[4] Nagwagi ang nobela ng Gantimpalang Aklat Amerikano mula sa Before Columbus Foundation.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Oscar V. Compomanes, "Filipino American Literature," kasama si N.V.M. Gonzalez, An Interethnic Companion to Asian American Literature, patnugot King-Kok Cheung, Cambridge UP, 1997, 62-124.
- ↑ James Lyons, Selling Seattle: Representing Contemporary Urban America, Wallflower 2004.
- ↑ Isinalin mula sa "the first novel about a Filipino American who identifies primarily with US localities"
- ↑ Elizabeth H. Pisares, "Payback Time: Neocolonial Discourses in Peter Bacho's 'Cebu'," MELUS 29.1 (2004): 79-97.