Cephalus
Si Cephalus (Sinaunang Griyego: Κέφαλος, Kephalos) ay isang pangalang ginagamit kapwa para sa pigura ng isang bayani sa mitolohiyang Griyego at binubuhat bilang isang pangalang teoporiko ng mga taong pangkasaysayan. Ang salitang kephalos ay ang salitang Griyego para sa "ulo", na marahil ay ginagamit dito dahil sa si Cephalus ay ang naging "ulo" na tagapagtatag ng isang dakilang mag-anak na kinabibilangan ni Odysseus. Maaaring ang Cephalus ay mayroong kahulugan na ulo ng araw na pumatay (nagpasingaw) kay Procris (hamog) sa pamamagitan ng kaniyang hindi nagkakamaling sinag o "sihang" (javelin). Si Cephalus ay ang isa sa mga mangingibig ng diyosa ng bukang-liwayway na si Eos.
Ang marangyang mga sakripisyo para kay Cephalus at para kay Procris ay kinakailangan sa nakakintal na kalendaryong banal ni Thorikos na nasa katimugang Attica, na marahil ay maipepetsa noong dekada ng 430 BCE at inilathala magmula sa bato noong 1983.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ G. Daux, in L'Antiquité Classique 52 pp 150-74 and J. Paul Getty Museum 12 (1984:145-52); na tinalakay sa loob ng D. Whitehead, The demes of Attica (1986:194-99), na nilagyan ng tala sa Fowler, 1993.