Pumunta sa nilalaman

Cesar Chavez

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Cesar Chavez noong 1974.

Si Cesar Chavez (ipinanganak bilang César Estrada Chávez, pagbigkas sa wikang Kastila: [ˈsesaɾ esˈtɾaða ˈtʃaβes]; Marso 31, 1927 – Abril 23, 1993) ay isang Amerikanong manggagawa sa bukid, pinuno ng mga manggagawa at aktibista ng mga karapatang sibil, na, kapiling si Dolores Huerta, ay nagtatag ng tinatawag sa Ingles bilang National Farm Workers Association o "Pambansang Asosasyon ng mga Manggagawa sa Bukid" (na pagdaka ay naging unyon ng United Farm Workers, UFW, o "Nagkakaisang mga Manggagawa sa Bukid").[1]

Bilang isang Amerikanong Mehikano, si Chavez ay naging pinaka nakikilalang Amerikanong Latinong aktibista para sa mga karapatang sibil, at malakas na tinaguyod ng kilusan pangmanggagawa sa Amerika, na masigasig sa pagpapatala ng mga kasaping Hispaniko. Ang kaniyang pagharap na pangpakikipag-ugnayan sa publiko (pakikiharap sa madla) para sa unyonismo, at ang agresibo subalit hindi marahas na mga taktika ay nakapaggawa sa pagpupunyagi ng mga manggagawang magbubukid upang maging isang layuning moral na nagkaroon ng suporta sa buong bansa. Sa pagsapit ng dekada ng 1970, ang mga taktika niya ay nakapuwersa sa mga manananim na kilalanin ang UFW bilang isang ahente ng pakikipagtawaran at pakikipagkasundo para sa 50,000 mga manggagawa ng kabukiran sa California at Florida. Subalit, sa pagdating ng kalagitnaan ng dekada ng 1980, ang kasapian sa UFW ay bumaba na umabot sa humigit-kumulang sa 15,000.[kailangan ng sanggunian]

Pagkaraan ng kaniyang kamatayan, siya ay naging isang pangunahing pigura ng kasaysayan para sa pamayanang Latino, samahan ng mga manggagawa, at kilusang liberal, na sumasagisag sa pagtangkilik ng mga manggagawa at para sa kapangyarihang Hispaniko na may batayang katutubo at sa kaniyang islogan na nasa wikang Kastila, ang "Sí, se puede" (Kastila para sa "Oo, magagawa ng isa[ng tao]" o may diwang "Oo, maaaring gawin iyan"). Ang mga tagapagtangkilik niya ay nagsabing ang kaniyang mga gawain ay humantong sa maraming mga pagpapainam para sa mga manggagawang kasapi sa unyon. Ang kaniyang kaarawan, na Marso 31, ay naging Araw ni Cesar Chavez, isang pistang pangilin sa mga estado ng California, Colorado, at Texas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Extra Mile – Points of Light Volunteer Pathway". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-09. Nakuha noong 2013-03-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)