Pumunta sa nilalaman

Champa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kaharian ng Champa
Campa
192–1832
Ang mga pangunahing gobyernong Champa bandang 1000–1100, nakalunti, matatagpuan sa baybayin ng modernong katimungang Vietnam. Sa hilaga (dilaw), matatagpuan ang Đại Việt; sa kanluran (bughaw), matatagpuan ng Angkor.
Ang mga pangunahing gobyernong Champa bandang 1000–1100, nakalunti, matatagpuan sa baybayin ng modernong katimungang Vietnam. Sa hilaga (dilaw), matatagpuan ang Đại Việt; sa kanluran (bughaw), matatagpuan ng Angkor.
KabiseraSimhapura
(Ika-4 hanggang ika-8 siglo CE)
Indrapura
(875–978)

Amaravati
Vijaya
(978–1485)

Kauthara polity (757-1653)
pamahalaang Panduranga
(757-1832)
Karaniwang wikaMga wikang Chamico, Sanskrito, Lumang Malay
Relihiyon
Cham Katutubong relihiyon, Hinduismo at Budismo, naging Islam
PamahalaanMonarkiya
Kasaysayan 
• Naitatag
192
• Pandurangga isinanib sa Vietnam sa ilalim ng dinastiyang Nguyễn
1832
Pumalit
Dinastiyang Nguyễn
Bahagi ngayon ng Vietnam
 Laos
 Cambodia

Ang Champa o Tsiompa (Cham: Campa; Biyetnames: Chăm Pa) ay isang katipunan ng malalayang estado ng mga Cham na nagpalawak sa baybayin ng kung ano ngayon ang gitnang at timog Vietnam mula sa humigit-kumulang na ika-2 siglo AD hanggang 1832 nang ito ay isanib ng Imperyong Biyetnames sa ilalim ng Minh Mạng.[1] Ang kaharian ay kilala sa iba't ibang bilang pangalan gaya ng nagara Campa (Sanskrito : नगरग चम्पः; Khmer: ចាម្ប៉ា) sa mga inskripsiyong Chamic at Kamboyano, Chăm Pa sa Biyetnames (Chiêm Thành sa bokabularyong Sino-Biyetnames) at占城(Zhànchéng) sa mga talang Tsino.

Ang mga Cham ng modernong Vietnam at Cambodia ay ang labi ng dating kaharian na ito. Nagsasalita sila ng mga wikang Chamico, isang subpamilyang Malayo-Polinesyo malapit na nauugnay sa mga wikang Malayico at Bali–Sasak.

Sa rehiyong ito, nauna sa Champa ang isang kaharian na tinatawag na Lâm Ấp (Biyetnames), o Linyi (林邑, Lim Ip saGitnang Tsino), na umiiral na mula pa noong 192 AD; ngunit ang makasaysayang ugnayan sa pagitan ng Linyi at Champa ay hindi malinaw. Naabot ng Champa ang rurok nito noong ika-9 at ika-10 siglo AD. Pagkatapos noon, nagsimula ito ng unti-unting pagbaba sa ilalim ng bigat mula sa Đại Việt, ang pamahalaang Biyetnames na nakasentro sa rehiyon ng modernong Hanoi. Noong 1832, isinama ng emperador ng Vietnam na si Minh Mạng ang natitirang mga teritoryo ng Cham.

Ang Hinduismo, na pinagtibay sa pamamagitan ng mga salungatan at pananakop ng teritoryo mula sa kalapit na Funan noong ika-4 na siglo AD, ay humubog sa sining at kultura ng kaharian ng Champa sa loob ng daang siglo, na pinatotoo ng maraming estatwa ng mga Hindu na Cham at mga pulang ladrilyong templo na kalat sa tanawin sa mga lupain ng Cham. Ang Mỹ Sơn, isang dating relihiyosong sentro, at Hội An, isa sa pangunahing mga pantalang lungsod ng Champa, ay mga Pandaigdigang Pamanang Pook. Ngayon, maraming Cham ang sumunod sa Islam, isang pag-iiba ng relihiyon na nagsimula noong ika-10 siglo, na buong tinanggap ang pananampalatayang ito ng mga Maharlika noong ika-17 siglo. Tinawag silang Bani (Ni tục, mula sa Arabe: Bani). Gayunman, mayroong mga Bacam (Bacham, Chiêm tục) na napanatili at iniingatan ang kanilang Hindu na pananampalataya, ritwal, at pagdiriwang. Ang Bacam ay isa lamang sa dalawang nananatiling di-Indikong katutubong Hindu sa mundo, na may kulturang lumipas nang libo-libong taon. Ang isa pa ay ang Hinduismong Balinesa ng mga Balinesa ng Indonesia.[1]

Ang pangalang Champa na nagmula sa salitang Sanskrito na campaka (binibigkas na tʃaɱpaka), na tumutukoy sa Magnolia champaca, isang uri ng punong pamumulaklak na kilala sa mga mabangong bulaklak.[2]

  1. 1.0 1.1 Parker, Vrndavan Brannon. "Vietnam's Champa Kingdom Marches on". Hinduism Today. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Oktubre 2019. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Champa, Sanskrit Dictionary for Spoken Sanskrit". spokensanskrit.org. Nakuha noong 2019-01-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)