Charles Lindbergh
Charles A. Lindbergh | |
---|---|
Kapanganakan | 4 Pebrero 1902 |
Kamatayan | 26 Agosto 1974 | (edad 72)
Trabaho | Abyador, may-akda, imbentor, eksplorador, aktibistang pangkapayapaan |
Asawa | Anne Morrow Lindbergh |
Anak | Kay Anne Morrow Lindbergh: Charles Augustus Lindbergh, Jr. Jon Lindbergh Land Morrow Lindbergh Anne Spencer Lindbergh (Perrin) Scott Lindbergh Reeve Lindbergh (Brown) Kay Brigitte Hesshaimer: Dyrk Hesshaimer Astrid Hesshaimer Bouteuil David Hesshaimer Kay Marietta Hesshaimer: Vago Hesshaimer Christoph Hesshaimer. |
Magulang | Charles August Lindbergh Evangeline Lodge Land Lindbergh |
Si Charles Augustus Lindbergh (Pebrero 4, 1902 – Agosto 26 1974) (palayaw: "Lucky Lindy" [Mapalad na Lindy] at "The Lone Eagle" [Ang Nagiisang Agila]) ay isang Amerikanong abyador, awtor, imbentor, eksplorador, at aktibistang pangkapayapaan na, noong Mayo 20–21, 1927, naging dagliang kilala sa buong mundo bilang resulta ng kaniyang pagpipiloto ng unang isahan at walang-hintong paglipad na Transatlantiko mula Lungsod ng New York (Paliparang Roosevelt) hanggang Paris (Paliparang Le Bourget), sa loob ng may isahang-upuan at isahang-makinang mono-eroplanong Spirit of St. Louis (Kaluluwa ni San Luis). Ginawaran si Lindbergh ng Estados Unidos ng pinakamataas na dekorasyong pangmilitar, ang Medalya ng Karangalan, noong 1927 dahil sa kaniyang ginawang ito.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinilang si Lindbergh sa Detroit, Michigan. Siya ang nag-iisang anak ni Charles August Lindbergh (kilala rin bilang Carl Månsson), isang kongresistang Amerikano. Pinalaki siya sa Little Falls, Minnesota. Noong 1920, pumasok siya sa Pamantasan ng Wisconsin para mag-aral ng larangan ng inhinyerya sa pagkamekaniko, subalit lumisan noong 1922 upang mag-aral ng pagpapalipad ng eroplano.[2]
Noong 1929, pinakasalan ni Lindbergh si Anne Morrow. Ikinasisiya din ni Anne Morrow Lindbergh ang pagpapalipad ng eroplano kung kaya't maraming beses na kasama at ko-polito siya ni Charles Lindbergh, patungo sa ibang mga bahagi ng mundo. Isinulat ni Anne Lindbergh ang mga karanasan niya sa paglalakbay sa mga naisa-aklat na North to the Orient (Hilaga Patungong Silangan) at Listen! the Wind (Makinig ka! ang Hangin).[3]
Larangan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Makaraang maging ganap na piloto, naghanap-buhay si Lindbergh bilang isang pilotong nagpapalipad ng mga eroplanong maaaring gamitin sa mga pambihirang mga akto o mga stunt. Nagtrabaho din siya bilang pilotong para sa mga liham na ermeyl o koreong panghimpapawid.[4] Noong 1926, tinanggap niya ang pagsubok sa pagpapalipad ng eroplano mula New York hanggang Paris, na siyang unang pagtawid-transatlantiko ng isang eroplano, na may gantimpalang US$ 25,000 (ang Gantimpalang Orteig). Kaya't nang sumunod na taon, bumili siya ng isang eroplanong pinangalanan niyang Spirit of St. Louis sa tulong pananalapi ng ilang mga mangangalakal sa Lungsod ng St. Louis. Ito rin ang dahilan kung bakit pinili ni Lindbergh ang pangalan para sa kaniyang sasakyang panghimpapawid.[2]
Noong Mayo 20, 1927, pumailanlang si Lindbergh na lulan ng Spirit of St. Louis mula sa New York, at matagumpay na lumapag sa Paris makaraan ang 33½ oras ng paglalakbay. Itinuring siyang isang bayani.[2]
Mga akda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinulat din ni Charles Lindbergh ang kaniyang talambuhay at mga karanasan sa pagpapalipad ng eroplano sa mga aklat na pinamagatang We, Of Flight and Life (Kami, Sa Paglipad at Buhay) at The Spirit of St. Louis (Ang Espiritu ni San Luis).[2][3]
Kahalagahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil sa matagumpay na paglipad ni Lindbergh, napag-alaman ng mga mamamayan ng mundo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga eroplano, isang makabagong paraan ng paglalakbay sa larangan ng transportasyon. Dahil sa eroplano, makararating ang maraming tao sa ibang lugar at makababalik rin sa loob lamang ng maikling panahon ng pagsakay sa eroplano.[2]
Noon namang panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, malaki ang naitulong ng kaalaman ni Lindbergh sa pagpapalipad sa Estados Unidos.[2]
Suliranin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1932, kinidnap at pinaslang ang anak na lalaki ni Lindbergh na may dalawampung-buwang gulang pa lamang. Dahil rito ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas Lindbergh - hango mula sa pangalang Charles Augustus Lindbergh, Junior, anak ni Charles Lindbergh - na naguutos na mapaparusahan ng kamatayan ang sinumang dumukot sa isang tao.[2]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lindbergh Medal of Honor
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 "Charles Lindbergh". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Mga literal na salin.
- ↑ English, Leo James (1977). "Ermeyl". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)