Pumunta sa nilalaman

Chicago (tipo ng titik)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Chicago (estilo ng titik))
Chicago
KategoryaSans-serif
Mga nagdisenyoSusan Kare (1984), Charles Bigelow & Kris Holmes (1991)
FoundryApple Computer (1984)
Bigelow & Holmes (1991)

Ang Chicago ay isang sans-serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni Susan Kare para sa Apple Computer. Ginamit ito sa user interface ng operating system ng Macintosh sa pagitan ng 1984 at 1997 at naging mahalagang bahagi ng identidad ng tatak ng Apple. Ginamit din ito sa mga naunang bersyon ng user interface ng iPod. Noong una, isang tipo ng titik na bitmap ang Chicago; habang napabuti ang kapabilidad ng Apple OS, kinomisyon ng Apple ang foundry ng tipo na Bigelow & Holmes na lumikha ng isang TrueType na bersyon na nakabatay sa vector.[1] Ipinangalan ang pamilya ng tipo ng titik sa Lungsod ng Estados Unidos na Chicago, na sinundan ang tema ng orihinal na tipo ng titik ng Macintosh na pinapangalan sa mga pangunahing lungsod sa mundo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Charles A. Bigelow; Kris Holmes (Setyembre 1991). "Notes on Apple 4 Fonts" (PDF). Electronic Publishing, Vol. 4(3). Nakuha noong 30 Disyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)