Pumunta sa nilalaman

Sili (bunga)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Chili pepper)
Siling kayena
Mga pinapatuyong sili sa Kathmandu, Nepal

Sili (Ingles: chili pepper, chilli pepper, chile pepper) ang tawag sa bunga[1] ng halaman mula sa saring (genus) Capsicum, kabilang sa pamilya ng mga halamang nightshade (Solanaceae). Sa mga bansang Gran Britanya, Australia, New Zealand, India,[2] Malaysia at sa iba pang mga bansa sa Asya ang tawag dito ay chilli (sili) lang at walang "pepper".

Ang siling maanghang ay nagmula sa kontinente ng Amerika. Pagkatapos ng palitang Kolumbiyano o malawakang pagpapalitan noong 1492, kumalat na ang maraming uri ng sili sa buong mundo, nililinang at ginagamit kapwa sa pagkain at medisina.

Sa ngayon, ang India ang may pinakamaraming naaani, nagagamit at niluluwas (export) na chili pepper sa buong mundo.[3] Ang estado ng Andhra Pradesh ang nag-aambag ng 75% ng lahat ng siling niluluwas mula sa India,[4] at sa lungsod naman ng Guntur sa nabanggit na estado nagmumula ang 30% ng naaaning mga sili.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "HORT410. Peppers – Notes". Purdue University Department of Horticulture and Landscape Architecture. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Disyembre 2018. Nakuha noong 20 Oktubre 2009. Common name: pepper. Latin name: Capsicum annuum L. ... Harvested organ: fruit. Fruit varies substantially in shape, pericarp thickness, color and pungency.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Indian chilli displacing jalapenos in global cuisine – The Economic Times". The Times Of India. 8 Mayo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.agrocrops.com/red-dry-chillies.php
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-04. Nakuha noong 2013-06-22.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Govt. of India Ministry Of Agriculture" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-08-10. Nakuha noong 2013-06-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)