Pumunta sa nilalaman

Chris Kaman

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Chris Kaman
Si Kaman noong 2011
Personal information
Born (1982-04-28) 28 Abril 1982 (edad 42)
Grand Rapids, Michigan
NationalityAmerikano / German
Listed height7 tal 0 pul (2.13 m)
Listed weight265 lb (120 kg)
Career information
High schoolTri-unity Christian School
(Wyoming, Michigan)
CollegeCentral Michigan (2000–2003)
NBA draft2003 / Round: 1 / Pick: ika-6 overall
Selected by the Los Angeles Clippers
Playing career2003–2016
PositionCenter
Career history
20032011Los Angeles Clippers
2011–2012New Orleans Hornets
2012–2013Dallas Mavericks
2013–2014Los Angeles Lakers
20142016Portland Trail Blazers
Career highlights and awards
Stats at Basketball-Reference.com

Si Christopher Zane Kaman (ipinanganak noong Abril 28, 1982 sa Grand Rapids, Michigan) ay isang Amerikanong dating propesyonal na manlalaro ng basketbol.

Si Kaman ay may taas na pitong talampakan (213 cm) at may timbang na 265 libras (120 kilo) Si Kaman ay naglaro ng basketball sa kolehiyo para sa Central Michigan University. Pinili siya ng Los Angeles Clippers mula sa sixth pick sa 2003 NBA Draft. Si Kaman ay naglaro ng 145 games sa kanyang unang dalawang NBA seasons na may karaniwang puntos na 7.4 kada laro, 6.1 rebounds kada laro at 1.1 assists kada laro. Sa kanyang pangatlong season, siya ay nagkaroon ng karaniwang puntos na 11.9 at 9.6 rebounds kada laro na kung saan ang Cliffers ay nakapasok sa playoffs.

Si Kaman ay nagtaglay ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD. Nagugol ang panahon ng kanyang kabataan sa isang chicken farm at noong kabataan niya, madalas niyang pakiaalaman ang bubungan ng kanilang kapitbahay at madalas din siyang manggulo sa eskwelahan. Malaki ang naging epekto ng ADHD sa kanyang paglalaro sa eskwelahan. Binigyan siya ng gamot na Ritalin para sa kanyang kondisyon ngunit nagdulot ito ng masamang epekto sa kanyang gana sa pagkain. Dahil dito siya ay namayat ng husto.

Si Kaman ay nag-aral sa Tri-unity Christian School sa Wyoming, Michigan kung saan pinangunahan niya ang kanyang koponan sa high school sa state Class D quarterfinals nuong 2000. Sa kabila nito o marahil dahil sa maliit lamang ang bilang ng kanyang klase (ang magtatapos na klase ay mayroon lamang 47 estudyante), siya ay kinuha lamang ng dalawang eskwelahan: Hope College ( isang Division III na eskwelahan) at ang Central Michigan University. Siya ay naglaro ng tatlong seasons sa Central Michigan kung saan ito ay pinangunahan niya sa paligsahan sa NCAA tournament nuong 2003 kung saan siya ay nagkamit ng Associated Press Honorable Mention All America na parangal bago siya nadeklara para sa 2003 NBA Draft kung saan siya ay pinili ng Clippers mula sa pang-anim na kabuuan.

Si Kaman ay isang ambidextrous at kinilala dahil sa kanyang matatag na Kristiyanong paniniwala at dahil din sa kanyang blond hair.

Sa kanilang laban nuong Abril 2006 sa Denver Nuggets, ang kalabang manlalaro na si Reggie Evans ay sinunggaban at hinatak ang bayag ni Kaman matapos makipag unahan sa rebound. Si Evans ay pinagmulta ng halagang $10,000 dahils sa kanyang ginawa. Subalit si Kaman ay napabalitang hindi nasiyahan sa hindi pagkakasuspindi ni Evans.

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]