Elektronikang sirkito
Ang elektronikang sirkito (sa Ingles: electronic circuit) ay binubuo ng indibiduwal na mga elektronikang sangkap tulad ng mga resistor, transistor, kapasitor, induktor, at diodo. Ang mga ito ay pinagsasama sa pamamagitan ng alambreng kondaktibo o ibang mga materyal na maaring pagdaluyan ng kuryente. Ang nabubuong mga kombinasyon ng mga bahagi ng sirkito ay nagbibigay daan sa iba't ibang mga proseso kagaya ng pagpapalakas ng mga senyas, paggawa ng mga pagtutuos, at paglilipat ng impormasyon.
Maaaring mabuo ang sirkito sa magkahiwalay na mga bahagi na ipinagsama ng isa-isang piraso ng alambre subalit ngayon mas madalas ang pagbuo ng linya ng koneksyon sa pamamagitan ng potolitograpikong pamamaraan sa isang nakalaminang sustrato (isang nakalimbag na tabla ng sirkito) at ihinang ang mga bahagi sa mga linya upang mabuo ang tapos nang sirkito. Sa isang pinagsama-samang sirkito, ang mga bahagi at linya ng koneksyon ay inilalagay sa parehong sustrato kadalasan semikonduktor tulad ng silikon o minsan gallium arsenide.
Ang sirkito ay nahahati sa tatlong kategorya, ang analogo na circuito, digital na sirkito o halong senyales na sirkito (kombinasyon ng analogo at digital).