Pumunta sa nilalaman

Clem Castro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Clemen Castro o mas kilala bilang Clementine (ipinanganak noong 10 Disyembre 1976) ay isang mang-aawit, manunulat at music producer sa Pilipinas. Siya ang dating punong bokalista at punong gitarista (elektronikong gitara) ng bandang Indie Orange and Lemons. Siya rin ang punong manunulat ng Orange and Lemons. Siya ang sumulat ng awiting "Hanggang Kailan (Umuwi Ka Na Baby)". Matapos mabuwag ang grupo ay bumuo siya ng bagong banda na The Camerawalls sa taong 2007. Simula noong Abril 2008, siya ay naging Label Manager ng Lilystars Record.

  • Mikropono
  • Akustikong Gitara
  • Elektronikong Gitara
  • Banduria
  • Organ (Piano)

Panahon Ng Kanyang Kabataan At Mga Impluwensiya sa Musika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kinalakihan ni Clementine ang pakikinig sa mga 60's rock and roll at psychedelic na musika. Noong kabataan niya mahilig na siyang makinig sa mga tugtugin ng The Beatles kalaunan nagustuhan niya na rin ang post punk guitar group katulad ng The Smiths. Sila ang banda na hanggang ngayon ay iniidolo at inspirasyon niya. Sampung taong gulang pa lang siya nang nagsimula na siya magpatugtog ng gitara. Matapos ang maraming taon ng pagsasanay at gayahin ang kanyang mga inspirasyon sa musika, natuklasan niya ang kakayahan sa pagsulat ng mga tugtugin at gumawa ng sariling komposition. Sa pamamagitan ng mga karanasan niya sa paglikha ng mga awitin ay naging paraan ito sa pagtagtag sa isa sa mga matagumpay na banda sa Pilipinas - Orange & Lemons.

Orange and Lemons

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1999 naibuo ni Clemen ang bandang Orange and Lemons na may natatanging himig sa mga kabataan na kalaunan naging daan sa kanilang pagsikat bilang mainstream na banda. Siya ang namuno sa banda at ang punong gitarista. Nakapagproduce sila ng kanilang sariling album na tinangkilik din ng mga dayuhan na galing sa Japan, Germany, UK at US atbp. Nanalo ng maraming parangal ang kanilang mga awitin at nakabinta ito ng gold at platinum records.

Lahat ng album nila ay nagsasagisag ng mga pagbabago bilang gitarista at manunulat ng awitin at ang pinakamagandang naigawa na ang -Moonlane Gardens (2007). Pero nagkaroon ng di pagakakaintindihan sa magkakasama sa banda, management at label. Nagkengwentro ang dalwang elemento ng Pagkamalikhain at Komersyalismo na naging dahilan ng pagkabuwag ng banda. Nanalo ang Moonlane Gardens noong 2007 bilang Album of the year sa NU Rock Awards.

Camerawalls at Lilystars Records

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Opisyal na na bumuwag ang banda noon Septeyembre 2007 matapos nilang gawin ang kanilang US Tour. Bumalik si Clementine sa pagiging indie at binuo kasama ang 2 kasamahan bilang indie pop band. Inilabas nila ang kanilang debut Album na "Pocket Guide to the Other World" noong Hulyo 2008 na naisailalim ng kanyang sarili indie label- Lilystars Records. Nagkamit ito ng mga nomination at parangal bilang isa sa mga mahuhusay na bagong local group na nakaproduce ng album. Ang debut Album "Pocket Guide to the Other World" ay naging patunay upang ipakita sa mga tao kung ano ang pwedeng mangyari sa makabagong indie pop band at mga Pilipino na marunong tumangkilik sa ganitong klase ng musika.

Sa ilalim ng kanyang label pumirma siya sa ilang di masyadong tanyag na mangangawit o banda at nakapaglabas ng mga CD singles.

  • Love in the Land of Rubber Shoes and Dirty Ice Cream [Terno Records] (2003)
  • Strike whilst the Iron Is Hot [Universal Records] (2005)
  • Moonlane Gardens [Universal Records] (2007)
  • Pocket Guide To The Otherworld (2008)
  • Bread and Circuses (2010 EP)

Mga pinasikat na awitin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Beginning Of Something Wonderful
  • Just Like A Splendid Love Song
  • Kailangan Kita
  • My Butterfly
  • Armageddon Is Coming To Town
  • She's Leaving Home
  • When I'm With You
  • Isang Gabi
  • Hey, Please
  • Days And Nights
  • Strike Whilst The Iron Is Hot
  • Hanggang Kailan (Umuwi ka na baby)
  • Cycle Of Love
  • Rock-A-Bye
  • Pabango NG 'Yong Mata
  • Heaven Knows (This Angel Has Flown)
  • Yer So Special
  • Nerve
  • Caught In A Line
  • Lihim
  • Chatter's Tale
  • Tomorrow
  • Moonlane Gardens
  • It's About Time
  • Ang Katulad Mong Walang Katulad
  • Let Me
  • Moonjive
  • Eleven Minutes
  • Be With You
  • Buhay At Pag-ibig
  • 700 Miles
  • Ode To Love
  • Fade
  • I Feel Good, I Feel Fine
  • The Story Must Come To A Sudden End
  • A New Day
  • Markers of Beautiful Memories
  • Clinically Dead For 16 Hours
  • Lord Of The Flies
  • I Love You, Natalie
  • Changing Horses Midstream
  • Ignore My Weakness, Don’t Ignore Me
  • Canto De Maria Clara
  • The Emperor, The Concubine & The Commoner
  • Solitary North Star
  • Lizards Hiding Under Rocks
  • A Gentle Persuasion
  • My Life's Arithmetic Means
  • Longevity
  • Birthday Wishes
  • Bread And Circuses
  • The Sight Of Love