Pumunta sa nilalaman

Colleen Ballinger

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Colleen Balinger)
Colleen Ballinger
Si Ballinger noong Agosto 2019
Kapanganakan (1986-11-21) 21 Nobyembre 1986 (edad 38)
TrabahoYouTuber
Kilala saMiranda Sings
AsawaErik Stocklin (k. 2018)
AnakFlynn, Maisy at Wesley

Si Colleen Mae Ballinger (isinilang noong 12 Nobyembre 1986) ay isang YouTuber, komedyante, mang-aawit at manunulat na galing sa Amerika. Nakilala rin siya bilang kanyang karakter sa internet na ito'y tinatawag na "Miranda Sings", nagsimulang magbahagi ng mga bidyo ng karakter na iyon sa pamamagitan ng YouTube. Ipinakita niya ang kanyang nakakatawang karakter sa paglilibot sa iba't ibang lugar, at gumawa siya ng sariling palabas na pinamagatang Haters Back Off (2016) ipinamahagi ng Netflix nabase sa kanyang karakter.

Maagang Buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Apat silang magkakapatid, mula sa kaliwa: si Trent, Rachel, Colleen at Chris, 'noong 2015.

Si Colleen ay ipinanganak at lumaki sa Santa Barbara, California, ang kanyang ama na si Tim Ballinger, isang sales manager at ang kanyang ina na si Gwen, isang maybahay.[1] Nag-aral lamang siya sa bahay noong ika-6 na baitang sa kanyang Middle School,[2] at nag-aral sa San Marcos High School[3] at nagtapos noong 2008 sa Azusa Pacific University, na mahusay siya sa Vocal performance.[4] Mayroon siyang dalawang nakatatandang kapatid na sina Christopher at Trent, at isang nakababatang kapatid na babae na si Rachel.

Nagtrabaho si Ballinger para sa Disneyland sa loob ng tatlong taon sa California at nagbigay ng mga araling panmusika para sa mga bata. Siya ay isang gumáganáp sa mga partido, at ginampanan niya ang karakter na "Kelsi Nielsen" para sa Claremont's High School Musical noong 2009.[5]

May bahagi si Ballinger bilang isang nars sa Dr. Fabulous noong 2012.[6] Nagbigay siya ng isang talumpati sa Teatro-Kabataan kung paano gamitin ang social media para pagbutihin ang iyong sarili bilang isang gumáganáp.[7]

Ginawa niya ang kanyang unang Broadway sa isang musikal na ito'y tinatawag na "Waitress". Halos dalawang buwan niya itong ginagawa.[8]

Ginampanan ni Ballinger ang kanyang bahagi na tinawag na "Candy" sa isang animasyong palabas na Centaurworld ng Netflix noong Hulyo 2021.[9]

Sariling Buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong nanirahan siya sa Los Angeles, nakipagtulungan si Ballinger sa iba pang mga kapwa YouTuber para gumawa ng mga bidyo o vlog. Noong lumipat siya sa Lungsod ng Bagong York, hindi na siya madalas na nakakagawa ng mga bidyo. Ngunit bumalik siya sa Los Angeles noong 2012. Nagpakasal si Ballinger at ang kanyang kasintahang na si Joshua Evans (isang YouTuber rin) noong 2015. Naghiwalay sila noong 2016.

Doon siya nagkaroon ng bagong tahanan sa Encino, California at nakilala niya si Erik Stocklin, isang aktor. Siya ang pinili ni Ballinger bilang isang Love Interest ni Miranda sa Haters Back Off!. Nagsimula silang mag-date noong taong iyon at ikinasal sila noong 2018. Ang kanilang unang lalaking anak na si Flynn Timothy Stocklin, ay isinilang noong 10 Disyembre 2018. Noong 6 Nobyembre 2021, ang mag-asawa ay may kambal, babae at lalaki sila ay sina Maisy Joanne at Wesley Koy Stocklin.

Pagkakawanggawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Colleen noong 2012

Si Ballinger ay nakalikom ng pera para sa mga batang may sakit/kanser mula noong 2015, at noong taong iyon, ibinigay niya ang pera sa mga ina na may mga anak na may kanser.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Ep. 25 Colleen Ballinger (Miranda Sings) - Ear Biscuits". SoundCloud (sa wikang Ingles). Ear Biscuits. 22 Marso 2014. Nakuha noong 18 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Rudetsky, Seth (1 Nobyembre 2020). "How Did Waitress's Colleen Ballinger First Become Miranda Sings?". Playbill (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Yearbook photos of Colleen Ballinger". Classmates (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Varley, Eddie (4 Nobyembre 2009). "STAGE TUBE: 'Miranda Sings' Visits Clevver TV". Broadway World (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Pebrero 2022. Colleen Balinger is recent graduate of Azusa Pacific University with a degree in vocal performance.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Krause, Amanda (20 Oktubre 2021). "8 celebrities who worked at Disney theme parks before they were famous". Insider (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Sokrates, Katarzyna (3 Mayo 2017). "DrFubalous - Ep 2 "Sometimes Friends Mess Up"". YouTube (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Shanahan, Mark; Goldstein, Meredith (11 Hulyo 2012). "Woman behind Miranda Sings a real character". The Boston Globe (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Lefkowitz, Andy (7 Hunyo 2019). "Colleen Ballinger, Known for Miranda Sings, to Make Broadway Debut as Dawn in Waitress". Broadway (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Pebrero 2022. {{cite web}}: no-break space character in |title= at position 78 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Moore, Kasey (7 Hunyo 2019). "'Centaurworld' Season 2 Coming to Netflix in December 2021". What's on Netflix (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Sjelhøj, Josephine (11 Nobyembre 2012). "Colleen Ballinger Celebrates Her Birthday By Raising Money For Childhood Cancer". CelebMix (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)