YouTube

Ang YouTube ay isang website na nagbabahagi ng mga bidyo at nagbibigay-daan para sa mga tagagagamit o user nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga bidyo clip. Ang mga bidyo na ito ay maaaring husgahan; ang dami ng husga at ng mga nakanood ay parehong nakalathala. Maaari ring mag-iwan ng komento ang mga manonood sa karamihan ng video.[1]
Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang YouTube ay sinimulan ng dating mga empleyado ng PayPal na sina Steve Chen, Chad Hurley at Jawed Karim. Noong 2006, binili ito ng Google at naging sangay ng kumpanya. Nagsimula ang istorya sa paggawa ng YouTube noong ang tatlong magkakaibigan ay nahihirapan sa pagpasa ng mga video ng isang dinner party sa bahay ni Chen sa San Francisco, California. Ang pinakaunang video na nai-upload sa YouTube ay pinamagatang Me at the zoo na kung saan mapapanood si Jawed Karim na nasa San Diego Zoo sa San Diego, California.
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ YouTube. Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/YouTube
Mga panlabas na link[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.