Pumunta sa nilalaman

Pisika ng kondensadong materya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Condensed matter physics)

Ang pisika ng Kondensadong Materya (Ingles: condensed matter physics) ay larangan ng pisika ng tumatalakay sa makroskopyo at pisikal na katangian ng materya. Tumatalakay ito sa mga "kondensadong" kalagayan (phase) na lumilitaw kailanman napakalaki ang bilang ng mga nilalaman sa isang sistema at kung saan malakas ang pagniniig sa pagitan ng mga nilalaman. Ang pinakapamilyar na halimbawa ng mga kondensadong pase ay ang solido at likido na bunga ng pagkakawing at pwersang elektromagnetiko sa pagitan ng mga atomo. Kasama sa mga eksotikong kondensadong pase ay ang mga superfluid at ang Bose-Einstein condensate na matatagpuan sa ilang sistema atomika na nasa napakakababang temperatura, ang paseng superconducting na ipinakikita ng conduction electrons sa ilang materyales, at ang paseng ferromagnetiko at antiferromagnetiko ng ikot sa latis atomiko.

Ang pisika ng kondensadong materya ang pinakamalawak na larangan ng makabagong pisika. Sa isang estimasyon, tersyong bilang ng mga pisikong Amerikano ay kumikilala sa sarili bilang pisiko ng kondensadong materya. Sa kasaysayan nito, lumitaw ang pisika ng kondensadong materya mula sa solid-state physics, na ngayon ay isa niyang pangunahing sub-larangan. Ang katagang "pisika ng kondensadong materya" ay unang ginamit ni Philip Anderson nang kanyang baguhin ang kanyang grupo sa pananaliksik – na noon ay "solid-state theory" – noong 1967. Noong 1978, ang "Division of Solid State Physics sa American Physical Society" ay pinalitan ng pangalan bilang "Division of Condensed Matter Physics". May malaking oberlap ang pisika ng kondensadong materya sa kimika, agham ng materyales, nanoteknolohiya at inhenyeriya.

Isa sa mga dahilan kaya tinawag itong pisika ng kondensadong materya ay dahil maraming konsepto at tekniks na dinebelop sa pag-aaral ng mga solido ay tunay ring nagaganap sa mga sistema ng pluido. Halimbawa, ang konduksiyon ng elektron sa isang konduktor elektrikal na nagaganap na isang uri ng kwantikong fluid ay may kawangki ring katangian ng pluido na gawa sa mga atomo. Sa katunayan, ang kababalaghan ng superconductivity, kung saan ang mga elektron ay namumuo o lumalapot (nagkokodensa) upang makabuo ng isang bagong paseng fluid na kung saan sila makadadaloy nang hindi maglalaho ay kahalintulad sa paseng superfluid na makikita sa helium 3 sa mababang temperatura.

Mga talakayin sa pisika ng kondensadong materya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kalagayan (phases)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Karaniwang mga kalagayan - Gas; Likido; Solido
  • Kalagayan sa mababang temperatura - Bose-Einstein condensate; Fermi gas; Fermi liquid; Fermionic condensate; Luttinger liquid; Superfluid; Composite Fermions; Supersolid
  • Mga kababalaghang kalagayan - Parametrong kaayusan (Order parameter); Transisyon ng kalagayan (Phase transition); Kurba ng paglamig (Cooling curve)

Mga kristalinong solido

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Mga uri - Insulador; Metal; Semikonduktor; Semimetal; Quasicrystals
  • Mga katangiang elektroniko - Band gap; Bloch wave; Conduction band; Effective mass; Electrical conduction; Electron hole; Valence band
  • Mga kababalaghang elektroniko - Epektong kondo; Plasmon; Quantum Hall effect; Superconductivity; Wigner crystal; Thermoelectricity
  • Mga kababalaghang latis - Antiferromagnet; Ferroelectric effect; Ferromagnet; Magnon; Phonon; Spin glass; Topological defect

Mga materyang malambot

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Mga uri – Solido na walang kalagayan; Magaspang ng materya; Liquid crystal; Polimero;

Nanoteknolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Nanoelectromechanical Systems (NEMS)
  • Magnetic Resonance Force Microscopy
  • Heat Transport in Nanoscale Systems
  • Spin Transport