Pumunta sa nilalaman

Mafia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cosa Nostra)

Ang Mafia (na nakikilala rin bilang Cosa Nostra, pariralang Italyano na may kahulugang "Ang Bagay Natin") ay isang pangkat o sindikato ng krimen na nagsasagawa ng mga gawain sa maraming mga bahagi ng mundo na nalikha sa Italya noong mahigit sa 200 mga taon na ang nakalilipas. Ang mafia ay kumikita ng salapi mula sa paggawa ng krimen. Nagkakamit sila ng bilyun-bilyong mga dolyar bawat taon mula sa ganiyang mga krimen, katulad ng pagbebenta ng mga ipinagbabawal na mga gamot, pagtatago ng salapi na kinita dahil sa hindi makabatas na mga paraan (money laundering), pagnanakaw, pagsusugal (pagpapasugal), at prostitusyon.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.